RATED R
ni Rommel Gonzales
GAGANAPIN ang 7th Sinag Maynila indie film festival sa September 24-30, 2025.
Lima ang napili sa kategoryang Full Length Feature at ang mga ito ay ang Candé ng direktor na si Kevin Pison Piamonte, na artista sina JC Santos at Sunshine Teodoro; Jeongbu ni direk Topel Lee na bida sina Aljur Abrenica, Ritz Azul, at Empress Schuck; Madawag Ang Landas Patungong Pag-Asa (The Teacher) ni direk Joel Lamangan na bida sina Rita Daniela, Jak Roberto, at Albie Casiño; Selda Tres (Cell Number 3) ni direk GB Sampedro na artista niya sina Carla Abellana, JM de Guzman, at Cesar Montano; at ang Altar Boy ng direktor na si Serville Poblete na artista sina Mark Bacolcol, Shai Barcia, at Pablo S.J. Quiogue.
Apat ang finalists sa Documentary-Open Call, samantalang sampu ang contenders sa Documentary-Students.
Labing-anim ang kalahok sa Short Films-Open Call, samantalang 25 ang kasali sa Short Films-Students.
Mapapanood ang film entries sa Sinag Maynila 2025 sa mga sinehan ng SM Mall of Asia, at SM Fairview, Gateway, Robinsons Manila at Robinsons Antipolo.
Mura ang tiket sa mga sinehan sa halagang P250 lamang.
Ang Sinag Maynila ay itinatag nina direk Brillante Mendoza at Mr. Wilson Tieng noong 2015.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com