Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Shabu

P.2-M shabu, patalim nakuha sa 16-anyos estudyante sa loob ng eskuwelahan

ISANG estudyante na hinihinalang sangkot sa sindikato na pagpapakalat ng ilegal na droga ang nakuhaan ng mahigit P200,000 halaga ng shabu at patalim sa loob ng isang pampublikong paaralan, sa Parañaque City, nitong Miyerkoles, 20 Agosto.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng Parañaque City Police Station sa tawag ng principal ng Parañaque National High School hinggil sa natuklasang bitbit na ilegal na droga at patalim ng isang alyas Gar, 16-anyos, habang nasa loob ng campus, dakong 11:45 ng umaga nitong Miyerkoles.

Nagkataong nagpapatrolya si PSMS Michael Loneza sa nasabing lugar kaya agad napuntahan ang insidente. Nakompiska ang isang plastic na naglalaman ng 10 plastic heat-sealed na lamang hinihinalang shabu, may timbang na 30 gramo at tinatayang may street value na P204,000.

Isinuko sa city social welfare and development ng Parañaque City government ang ‘suspek’ dahil itinuturing na rescue operation ang insidente.

Isinumite sa SPD Forensic Unit ang hinihinalang ilegal na droga.

“While the student will still face appropriate charges in due time and in accordance with the law, our foremost priority is to rescue and protect the youth from the perils of drugs. The SPD remains committed to ensuring that schools are safe havens for learning and growth, free from the influence of illegal substances,” ayon kay SPD Director PBGen. Randy Arceo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …