Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC de Vera, kabado sa TV series na The Legal Wife

AMINADO si JC de Vera na kinakabahan siya sa kanyang unang project sa ABS CBN na pinamagatang The Legal Wife. Sinabi ni JC na matindi ang kanyang pressure na nararamdaman lalo’t magagaling ang mga kasama niyang bituin dito tulad nina Jericho Rosales, Maja Salvador, at Angel Locsin.

“First time kong makasama itong mga ganitong klaseng artista until now ako’y overwhelmed pa rin at ‘yun nga very nervous pa rin, kasi hindi ko alam kung gaano kagagaling itong mga ito,’ saad ng aktor.

Gayunman, umaasa si JC na magiging maganda ang pakikipagtrabaho niya sa mga kasamahang bituin sa Dos. Ayon pa sa aktor, umaasa siyang marami siyang mapupulot na technique sa pag-arte sa mga kasamahan niya rito.

Idinagdag pa niyang masaya siya sa experience na makatrabaho ang mga co-star niya rito.  “Happy ako na nakasali ako sa kanila kasi nga magandang experience itong unang show na gagawin ko kaya very blessedtalaga ako,” saad pa ni JC.

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …