Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NCMB nagsikap para labor disputes maayos
LOCKOUT SA KAWASAKI MOTORS, IKINALUNGKOT NI LAGUESMA

082225 Hataw Frontpage

HATAW News Team

AMINADO si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na walang magagawa ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa oras na ipatupad ang lockout na ibig sabihin ay mawawalan ng trabaho ang ilang manggagawa ng Kawasaki Motor Philippine Corporation (KMPC).

“Malungkot ako dahil ‘pag natuloy ang lockout mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa” pahayag ni Laguesma.

Ipinaliwanag ni Laguesma na ginawa ng DOLE sa pamamagitan ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) ang lahat para maayos ang labor dispute sa pagitan ng KMPC at Kawasaki United Labor Union (KULU) ngunit sa kabila nang mahigit sa isang taong mediation meeting ay hindi nagkaroon ng amicable resolution o kasunduan ang magkabilang panig.

“Despite all out efforts of the NCMB hindi pa rin nagkakasundo,” ani Laguesma.

Nasa ika-90 araw na ang isinasagawang strike ng mga opisyal ng KULU, ang strike ay sinimulan noong Mayo matapos ang economic deadlock sa Collective Bargaining Agreement (CBA).

Ayon kay Atty. John Bonifacio, external counsel ng Kawasaki, nasa 14% ang kabuuang increase na nais ng KULU na “financially unsustainable” base sa kasalukuyang sitwasyon ng kompanya.

Aniya, lubha itong mataas sa 6% increase na iginawad ng kompanya kamakailan para sa kanilang Supervisory Union na mayroong hiwalay na CBA.

Kabilang sa hiling ng unyon ay 10.50% annual salary increase para sa 1 Hulyo 2024, 2025, at 2026; dagdag na P50.00 kada buwan sa basic pay.

Bilang pagpapakita ng “good faith” ay inaprobahan ng management ang mga demands  ng KULU maliban sa 10.5% salary wage increase dahil ang kaya lamang ng kompanya ay hanggang 5%. Bukod dito, sumang ayon din ang kompanya na ibigay ang limang  hiling pa ng Unyon, gaya ng: 1) uniform provision mula 3 ay gawing 5; 2) May 1st Assistance mula P10,000 ay gawing P15,000; 3) Matrimonial leave na 3 ay gawing 5 araw; 4) Funeral assistance sa namatay na empleyado na P75,000 ay gagawing P100,000 at sa mga family member ay P50,000 mula sa dating P25,000; at 5) Bereavement Leave ng 7 araw mula 5 araw.

Inalmahan ng KMPC ang alegasyon ng KULU na mayroong P162-milyong kita kada taon  at P21-milyong bank deposits ang kompanya para matugunan ang kanilang demands. Giit ng KMPC, mula 2020 hanggang 2024 ay nasa P688 milyon ang nalugi sa kanila resulta ng pandemic at ang kanilang financial statements ay kanila nang naisumite sa NCMB.

Sa kabila ng pagkalugi ng kompanya sa nakalipas na mga taon ay hindi ito nagsagawa ng layoffs bilang konsiderasyon sa kanilang mga empleyado, nagsagawa ng cost-saving measures ang kompanya kabilang dito ang pagpapasara sa 14 Kawasaki Service Centers (6 sa Luzon, 8 sa Visayas-Mindanao) sa layunin na makatipid ng P2.6 milyon kada taon.

Sa 26  Agosto ay ipatutupad ang lockout sa 289 union workers.

Sa kanilang Notice of Lockout iginiit ng Kawasaki Motors na nilabag ng 289 manggagawa ang probisyong “No Strike/No Lockout” at binoykot ng union workers ang tatlong opisyal na aktibidad ng kompanya noong nakaraang taon, kabilang dito ang anibersaryo noong 24 Hulyo, Sportsfest noong 15 Hunyo, at ang mandatory overtime na inihayag noong 30 Abril 2025 upang makahabol sa produksiyon.

Sinabi ni Atty. Bonifacio, external counsel ng Kawasaki na ang paglabag sa No Strike/No Lockout clause ng CBA ay itinuturing na unfair labor practices, na maaaring magsilbing batayan sa lockout.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …