Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Congress Hotshots UP University of the Philippines

Hotshots ng 20th Congress, nakipagsanib-puwersa sa UP para sa resilience at innovation

TINAGURIANG “Congress Hotshots” — sina Kinatawan Brian Poe (FPJ Panday Bayanihan Partylist), Javi Benitez (Negros Occidental), at Ryan Recto (Lipa City) — ay bumisita sa University of the Philippines (UP) upang palakasin ang pakikipagtulungan sa mahahalagang pambansang adyenda, kabilang ang climate resilience, artificial intelligence (AI), at creative industries.

Inanyayahan ang tatlong mambabatas ni UP President Atty. Angelo “Jijil” Jimenez matapos nilang ihain ang House Bill No. 2577, isang makasaysayang panukalang batas na naglalayong itatag ang UP National Climate Resilience Institute (UP NCRI). Layunin nitong iangat at gawing ganap na institusyon ang kasalukuyang UP Resilience Institute upang magsilbing pangunahing sentro ng bansa para sa climate risk governance, scientific foresight, at community-centered adaptation.

Partnership na nakabatay sa siyensiya at batas

Idinaos ang pagpupulong sa UP Executive House na pinangunahan ni Pangulong Jimenez kasama ang mga pangunahing opisyal ng pamantasan:

               •            VP for Academic Affairs Lorraine Symaco

               •            Assistant VP for Student Affairs Shari Niña Oliquino

               •            UP Resilience Institute Executive Director Dr. Mahar Lagmay

               •            Dr. Carlos Primero Gundran, Director for Institution Building

               •            Dr. Likha Minimo, Director for Knowledge Sharing

               •            College of Engineering Dean Dr. Tonette Tanchuling

               •            AI Coordinator Dr. Prospero Naval

               •            Assoc. Dean for Public Engagement Prof. Dr. Rowaldo del Mundo

               •            President’s Chief of Staff Dr. Michelle Ong

Binigyang-diin ng mga “Hotshots” na ang matatag na batas ay dapat nakaugat sa siyensiya at pananaliksik. Pinagtibay ng pamunuan ng UP na handa silang magbigay ng datos, pagsusuri, at akademikong kadalubhasaan upang mapalakas ang adyendang pambatas ukol sa klima at katatagan.

Sinabi ni UP President Angelo Jimenez na nakatuon ang University of the Philippines sa pagbibigay ng siyensiya, ebidensiya, at pananaliksik upang bigyang-lakas ang mga mambabatas na makagawa ng batas na napapanahon at makabuluhan.

“Sa pagsasanib ng talino ng UP at political will ng Kongreso, makalilikha tayo ng mga solusyon na hindi lang para sa ngayon kundi maging para sa susunod na henerasyon.”

Mga pahayag ng mga mambabatas

Ayon kay Rep. Javi Benitez ng Negros Occidental: “Ang aming hapunan ay higit pa sa isang courtesy call—ito ay isang pangako na makipagtulungan sa UP sa pagpapalakas ng climate resilience, pagpapaunlad ng artificial intelligence, at pagpapatatag ng creative industries. Sa siyensiya at datos nakabatay ang partnership na ito, at ito ang magpapatatag ng isang mas handa at makabagong Filipinas.”

Dagdag ni Rep. Ryan Recto ng Lipa City: “Napakalaking karangalan ang maging bahagi ng isang masinsinang talakayan kasama ang aking mga kasamahan, si Pangulong Jimenez at ang mga eksperto ng UP. Ang aming agarang prayoridad ay ang mahigpit na hamon ng climate change. Umaasa kami na ang aming panukalang batas ay lubusang mapagtibay upang magbigay ng pangmatagalang solusyon.”

Itinampok ni Rep. Brian Poe ng FPJ Partylist, na nagtapos ng kanyang unang Master’s sa Climate and Society sa Columbia University, ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa UP:

“Sa pagtutulungan kasama ang University of the Philippines, makatatrabaho natin ang pinakamahusay at pinakamatalino sa bansa upang makagawa ng mga batas na napapanahon at makabuluhan. Mahalaga na ang aming panukala ay nakabatay sa datos at pananaliksik. Inaasahan kong makapagbigay-daan upang makakuha ng mga consultant mula sa UP na makatutulong sa aming trabaho sa Kongreso.”

Tungo sa isang mas matatag na Filipinas

Ang House Bill No. 2577 ay nagmumungkahi ng nakalaang pondo, mga plantilla position, at pinalawak na mandato para sa UP NCRI—upang ito ay maging pangunahing institusyon ng bansa para sa pananaliksik sa climate resilience, pagbibigay ng patnubay sa patakaran, at pagsasanay. Sa pamamagitan nito, layunin ng Filipinas na manguna sa climate governance sa Asya at tiyakin na ang mga komunidad sa buong bansa ay handa sa lumalalang epekto ng climate change.

Kasabay nito, nagpahayag din ang mga propesor ng UP ng matinding interes na isulong ang artificial intelligence sa mga darating na taon, habang binigyang-diin ni Rep. Javi Benitez ang kanyang papel bilang Chairman ng House Special Committee on Creative Industries upang palakasin ang industriya ng malikhaing sining at digital economy.

Ang hapunang ito ang simula ng mas malalim na kooperasyon sa pagitan ng Kongreso at UP, kung saan inaasahang susunod ang committee briefings, joint research, at public consultations na nakatuon sa resilience, inobasyon, at nation-building. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …