RATED R
ni Rommel Gonzales
ISA sa mga dating housemates sa Bahay Ni Kuya sa nakaraang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition si Vince Maristela, na tulad nina Josh at Michael may mga hindi rin malilimutan at gustong alalahanin sa mga nangyari sa loob ng bahay ni kuya.
“Ako para sa akin ‘yung pinaka-memorable na mga… siguro ‘yung stories nila,” umpisang pahayag ni Vince.
“Kasi isa ‘yun sa mga bagay na na-inspire ako, sa stories nila.
“Alam mo ‘yun, binigyan nila ako ng tiwala na mag-share sila sa akin at siguro dahil sa stories nila, mas napu-push ako to do better at siguro mas naiintindihan ko rin talaga sila kung sino sila.
“Parang mas lumalalim din ‘yung friendship namin, hindi lang siguro friendship ha, ‘yung family namin.
“At sa gusto ko kalimutan, parang wala naman akong gustong kalimutan.
“Kasi lahat ng bagay na nangyari sa loob ng Bahay Ni Kuya, meant to be talaga at para sa akin, hindi na puwedeng palitan ‘yun, eh.
“Like, kailangan na lang mag-move on at gawin kung ano ‘yung mga dapat gawin sa mga darating na opportunities, iyon lang,” pagtatapos ni Vince.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com