Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Brian Poe Llamanzares

Online gambling tanggalin, magtuon sa ibang pinagkukunan ng buwis

BINATIKOS ni Rep. Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan ang maliit na ambag ng online gaming sa kabang-bayan — ₱60 bilyon o 0.23% ng GDP lamang noong 2024.

Ang pagbatikos ay inungkat ni Rep. Poe sa isinagawang Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Mababang Kapulungan.

Giit ni Poe, hindi dapat umasa ang gobyerno

sa industriyang nagpapalaganap ng bisyo at nagdudulot ng mabigat na social cost –  nakaaapekto sa buhay ng tao sa kanilang kagalingan, kalusugan, at katatagan ng ekonomiya.

Inurirat ni Rep. Poe ng katanungan ang Department of Finance, ang kahandaan ng gobyerno na humanap ng iba pang mapagkukuhaan ng kita sakaling ipatupad ang mas mahigpit na regulasyon—o tuluyang alisin ang mga ‘immoral na industriya’.

Tinukoy ni Rep. Poe ang ilang posibleng mapagkukuhaan ng dagdag na buwis.

“Tinitingnan natin ang posibilidad ng excise tax sa plastics, na sa ngayon ay wala pang pambansang excise tax, at sa pagmimina, kung saan 2% lamang ang kinokolekta ng Filipinas—malayo kompara sa pandaigdigang pamantayan,” ani Poe.

“We’ll gladly work with you on that. Any additional revenue stream for the national government will be very much welcome,” tugon ni DOF Secretary  Ralph Recto.

Inilahad ng Finance Secretary na may mga repormang naipasa na upang ayusin ang sistema ng pagbubuwis sa pagmimina, at bukas silang makipagtulungan sa Kongreso para sa karagdagang hakbangin.

Ipinayo ni Rep. Poe na dapat pagtuunan ng mga patakaran sa pananalapi ng gobyerno ang mga sustainable at produktibong industriya habang tinitiyak ang matatag na kita para sa pambansang pondo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …