ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
THREE days na rumampa si Xia Vigor sa Resorts World Sentosa Singapore at aminadong nag-enjoy nang todo ang tisay na bagets sa exciting na experience niya rito.
Kasama rito ni Xia ang mother niyang si Ms. Christy Bernardo.
Ayon kay Ms. Bernardo, “Kinuha po siya ng Resorts World Sentosa Singapore, they flew us to Singapore to promote Universal Studios.
“They also asked us to post our trip sa Instagram and Tiktok ni Xia, they want to promote it sa Philippines… they wanted to promote Universal Studios more rito sa Philippines.”
Kagigising lang ni Xia nang maka-chat namin siya thru Facebook.
Masayang kuwento sa amin ng talented na bagets, “Sobrang saya po namin, super-enjoy po, kasi iyong sumundo sa amin sa airport is yung limousine service pa nila.
“Nakakatuwa po talaga, kasi yung isang minion character doon ay Pinoy pala. Nagtaka nga po kami dahil biglang nagTagalog… Tapos sabi niya, ‘Kilala kita, artista ka sa atin’, hehehe.
“Kaya nakakatuwa po talaga na hanggang sa mga ganoong klase ng theme park ay maraming Pinoy na nagwo-work.”
Sabi ng mommy niya ay ni-rate ni Xia ang nasakyang rides dito, saan siya nag-enjoy nang husto?
Esplika ni Xia, “Ang 10/10 po sa para sa akin ay yung sa Transformers ride, kasi po ay parang nandoon ka talaga sa laban ng mga robots. Ang galing po talaga ng illusions…”
Dagdag pa niya, “Nag-enjoy po kami ni mommy sa Minion Mayhem po, at saka sa Revenge of the Mummy, Jurassic Park Rapids adventure.
“Favorite ko rin po yung Lights, Camera, Action, kasi po ay ipinapakita ang filming sa Hollywood. Actually, pareho po naming favorite ni mommy ito.
“Ayaw po niya sa Transformer, dahil nahihilo raw po siya, hehehe,” nakatawang wika pa ni Xia hinggil sa kanilang masayang all-expense- paid-trip sa Singapore.
Ayon pa sa magandang teen actress, tuloy-tuloy sila sa taping ng Kapatid series na ‘Para sa Isa’t Isa’ na tinatampukan nina Krissha Viaje at Jerome Ponce.
Esplika ni Xia, “About po sa seryeng Para Sa Isa’t Isa naman po, dire-diretso naman po ang taping namin. Hopefully ay maipalabas siya talaga sa target nilang date.
“Kasi po, iyong last na napanood po ako sa TV is yung YFSF (‘Your Face Sounds Familiar Kids‘) at ‘The Kids’ Choice’ sa ABS CBN. Eight years old pa lang po bale ako noon.
“Sa Viva po kasi ay mga movie ang ginawa ko, kaya sa totoo lang po, nami-miss ko po talaga ang magtelesrye. Kasi ang last teleserye ko po ay iyong ‘Langit Lupa’,” wika pa ng dating child star na isang ganap nang dalagita ngayon.
Anyway, ang ilan pa sa cast ng Para Sa Isa’t Isa ay sina Alma Moreno, Rose Van Ginkel, Bobby Andrews, Carlene Aguilar, Charles Law, Bob Jbeili, Francis Magundayao, at Celeste Cortesi.
Nalaman din namin sa talented na bagets na may gagawin din si Xia na isang fun run this August. Balita namin na ito ay lalahukan ng 8,000 people at sa Alabang daw gaganapin ang nasabing fun run.
Marami pang nabanggit na interesting na kaganapan si Xia sa amin ukol sa kanyang showbiz career, pero saka na naman ikukuwento kapag plantsadong-plantsado na ang mga detalye nito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com