Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
San Miguel Pale Pilsen 135 Taon Balik Tanaw Limitadong Lata

San Miguel Pale Pilsen, 135 Taon na! May “Balik Tanaw” na Limitadong Lata

SAN MIGUEL Pale Pilsen, ang iconic na inumin ng bansa na naging simbolo ng pagka-Pilipino sa buong mundo, ay ipinagdiriwang ang ika-135 anibersaryo nito sa pamamagitan ng isang espesyal na “Balik Tanaw” na lata, bilang pagpupugay sa mayamang kasaysayan at makabuluhang kontribusyon nito sa ating kultura.

Sa mahigit isang siglo, naging kaagapay na ng mga Pilipino ang San Miguel Pale Pilsen sa malalaki man o maliliit na pagtitipon—mula sa mga simpleng salu-salo sa barangay hanggang sa malalaking pista—na nag-uugnay sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng mga kuwentong pinagsaluhan sa isang bote ng kanilang award-winning na beer.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, nakipagtulungan ang San Miguel Brewery Inc. (SMB) sa kilalang Pilipinong visual artist na si Francis Nacion upang likhain ang disenyo ng collectible can. Kilala si Nacion sa kanyang estilong sining na gumagamit ng kalahating-larawan at paglalaro sa liwanag at anino. Binigyang-buhay niya ang “Balik Tanaw” can sa pamamagitan ng mga larawang puno ng nostalgia, muling inilalarawan ang mga tradisyonal na tagpo sa buhay ng Pilipino kung saan bahagi ang San Miguel Pale Pilsen sa mga hindi malilimutang sandali.

“Ang paglikha ko rito ay parehong intuitive at intentional,” ani Nacion, na binigyang-diin na ang kanyang mga likha—na inspirasyon mula sa tradisyonal na mga halaga at kultura—ay sumasalamin sa malalim na kasaysayan at pambansang pagmamalaki ng brand.

Ang limited-edition na lata ay mabibili na sa piling mga supermarket, grocery, at convenience store sa buong bansa, pati na rin sa SMB Delivers sa 8632-BEER (2337) at sa www.SMBDelivers.com.

Sa 135 taon ng kahusayan sa paggawa ng beer, nananatiling higit pa sa isang inumin ang San Miguel Pale Pilsen—isa itong cultural icon na bahagi na ng bawat kwento ng buhay-Pilipino. (HNT)

Para sa iba pang promo at updates, i-like at i-follow ang San Miguel Pale Pilsen sa Facebook: www.facebook.com/SanMiguelPalePilsen.

#TheTrueGlobalFilipinoBeer #SMPP135thHeritageCan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

Bomb Threat Scare

Empleyado ng NAIA tiklo sa ‘bomb joke’

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos …