I-FLEX
ni Jun Nardo
AKTING ang unang gusto ng baguhang singer na si Zela. Eh nang masubukan ang music, dito na niya nais mag-concentrate.
“I love performing on stage,” saad ni Zela nang makausap namin bago iparinig ang songs sa album niyang Lockhart under AQ Prime Music.
Sa Las Vegas lumaki si Zela at nagbalik sa bansa para i-pursue ang kanyang dream. Three years na siya sa bansa and she’s enjoying her stay.
Pagdating naman sa collab sa ibang artist, number one sa kanya si Sarah Geronimo.
Gustuhin man niyang masali sa isang grupo, mas gusto niyang maging solo artist na kanya nang nasimulan noon pa mang bata pa siya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com