Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rozz Daniels

Rozz Daniels mala-Regine pinagdaanan sa buhay

RATED R
ni Rommel Gonzales

DAHIL mamamalagi na sa Pilipinas ang Pop Rock Diva na si Rozz Daniels kasama ang American husband na si David Daniels ay bibisita na lamang sila sa US minsan isang taon para dalawin ang apat nilang anak na sa Amerika naka-base.

Andoon sila, may kanya-kanyang trabaho, ‘yung bunso ko may anak na, I have an 11 year-old grandson.

“So roon lang sila, siguro baka bibisita sila rito paminsan-minsan.”

Tanggap ng mga anak nila na sa Pilipinas na sila maninirahan ni David.

Tanggap nila, in fact they liked it.

“Gusto nila, kasi alam nila na bumabalik ako rito para lang kumanta, eh. So gusto nila na i-pursue ko ‘yung career ko rito talaga.”

Nakagugulat pa na mismong ang mister ni Rozz ang may gusto na sa Pilipinas sila mag-retire.

Dahil unang-una alam niya na may career ako rito.  

“Tapos para maging malapit ako sa kapatid ko dahil wala na ang mama namin so, ako na ang mag-aalaga sa kapatid ko.”

Kinuha na ni Rozz ang kapatid niya na dating nakatira sa Paco, Maynila at ngayon ay kasama na ni Rozz sa bahay nila ni David sa isang eksklusibong village sa Sta.  Rosa, Laguna.

Alam din nina Rozz at David na kung patuloy siyang pabalik-balik sa Amerika at sa Pilipinas ay hindi tuluyang makakaalagwa ang singing career niya.

Korek, oo!

“Kasi limited lang ‘yung ano ko ‘di ba? Uwi ko rito four to five weeks lang, tapos uuwi na naman ako sa Amerika.

“Magre-record ako, mapuputol hindi matatapos.”

Samantala, sa mga hindi pa nakaaalam ay may pagkakapareho ang pinagdaanan sa buhay sina Rozz at Regine Velasquez.

Noong hindi pa siya Asia’s Songbird, madalas ay sumasali si Regine sa mga amateur singing contest sa iba’t ibang lugar sa Bulacan (na roon nakatira noon ang pamilya Velasquez) at karatig-lugar.

Kapag nananalo si Regine, bukod sa cash prize ay nakatatanggap siya ng mga papremyong tulad ng groceries at isang sakong bigas.

Palaging kasama noon ni Regine sa pagdayo sa mga patimpalak ng kantahan ay ang ama niyang si Mang Gerry Velasquez. Mang Gerry ang nagtitiyagang magbitbit ng sako ng bigas para maiuwi nila ni Regine sa kanilang tahanan para may pagkain sila.

Si Rozz naman noong araw, dahil mahusay kumanta ay dumarayo rin sa iba-ibang lugar para sumali sa mga singing competition.

Hindi man pinapalad na maging champion, pumupuwesto naman siya bilang 2nd o 3rd placer.

At ang premyo niya ay pareho ng kay Regine, isang sakong bigas at mga grocery items tulad ng sardinas at condensed milk.

Ang kaibahan nga lamang, kung may tagabuhat si Regine ng sako ng bigas, si Rozz ay wala kaya siya mismo ang nagbibitbit ng sako ng bigas na kanyang napanalunan.

Nagbunga naman ang mga pagsisikap at pagtitiyaga ni Rozz, kinilala siya bilang Most Promising Female Pop Rock Diva of the Year noong 2021.

Ang award ni Rozz ay mula sa Phoenix Excellence Awards ni direk Ronald Abad.

Isa pang malaking pagbabago sa buhay ni Rozz mula sa paglalakad ng halos dalawang oras para lamang makasali sa mga singing contest noon sa Dumaguete at Bohol, naranasan niyang mamuhay ng maraming taon sa Wisconsin sa Amerika at umawit ng libre sa mga charity event.

At ngayon nga na based na siya sa Pilipinas, asahang mas lalong aarangkada ang singing career ng Pop Rock Diva, lalo pa nga at napaka-supportive ng mister niyang si David.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link