Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zela Ms M

P-pop soloist Zela madalas ikompara kay Sandara Park

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

BUONG akala nami’y si Sandara Park ang pinanonood sa isang music video hindi pala kundi ang baguhang alaga ng AQ Prime Music, si Zela.

Paano naman bukod sa hawig siya ni Sandara, pareho rin silang mag-perform.

Kaya naman naitanong iyon sa dalaga sa question and answer kung aware ba siya g kahawig niya ang South Korean pop idol na si Sandara.

Aware naman pala siya at marami nga ang nagsasabi na look alike niya ang pop idol.

Isang compliment para kay Zela na maikompara kay Sandara.

Sa media conference ng debut album niyang  Lockhart, sinabi niyang napakagaling ni Sandara pero mas maganling at mas maganda raw iyon sa kanya.

I get it a lot. I take it as a compliment po. ‘Cause hello, that’s Sandara Park. Who doesn’t like to be compared to her. But she’s really good. Kung through face lang po, mas maganda siya I think and more talented,” giit ni Zela na sa Amerika pala lumaki bagama’t dito sa ‘Pinas siya ipinanganak.

We have our own beauty, talent na sa amin lang. We stand on our own. I’m really glad every time I am compared to her because she’s Sandara Park,” sabi pa ni Zela.

Masuwerte rin si Zela dahil napag-alaman naming inaayos na para magkaroon siya ng

career sa South Korea dahil may Korean investor na handang sumugal sa kanya.

Ibinalita ito ng isa sa mga boss ng AQ Prime Music, si RS Francisco na siyang nagma -manage ng singing career ni Zela.

Ani RS, may meeting siya sa mga Korean investor para pag-usapan ang international career ng kanilang talent.

It’s gonna be a project wherein si Zela ang gagawa ng music, siya rin ang kakanta, so we’re trying to elevate her craft para hindi lang dito sa Philippines kundi makita siya all over,” tsika ni RS.

At hindi iyon alam ni Zela dahil nasorpresa siya sa narinig at ibinalita ni RS. Kaya naman ganoon na lamang ang kanyang kasiyahan.

Aniy, “I’m very happy because I really wanted to go global eversince I started in this industry and now it’s starting to happen like everything. The album is one of my dreams lang po before and it’s here na so, I’m very, very happy and grateful.”

Sampung kanta ang nakapaloob sa Zela’s Lockhart, ito ay ang A.C.E, Arangkada, 01/01, Z.L, G.O.A.T, Paraiso, Chaos, Bababa, Hanap Ka Na Lang Ng Iba, at  Leave Me. Anim sa kantang ito ay siya mismo ang nagsulat.

Karamihan sa awiting ito ay ukol sa women’s emotions, experiences, struggles, at victories.

The album’s title indicates that I’m committed (locked in) to my goals and what I want to accomplish in life,” ani Zela, isang Filipino-American singer, songwriter, rapper at dancer na nagsimula sa USA. 

As someone who grew up abroad, I’m definitely trying to enhance my Tagalog vocabulary. That is why we incorporated Tagalog lyrics in our songs. Previously, my songs were all in English. The management has been encouraging me to speak more Tagalog. I wrote the songs on the album with the assistance of co-writers for the complete Filipino songs,” dagdag pa ng 24-year-old Ppop soloist.

Gusto namang maka-collab ni Zéla si  Sarah Geronimo gayundin ang BINI.

Sa pamamagitan ng musikang nagpapakita ng kapangyarihan ng mga babae, pananamit na gumagawa ng pahayag, at kapansin-pansing mga larawan, si Zéla, na dating binu-bully, ay nabibilang na ngayon sa isang industriya na tumatanggap sa kanyang estilo ng pagpapahayag ng peminismo.

It feels good to celebrate the voices of women and those who came before me,” pagbabahagi ng dalaga.

Available na ang Lockhart sa Spotify at ibang digital music platforms. 

Sa kabilang banda, bata pa man si Zela ay sumusulat na ng kanta si Zela na ang genre ay pinaghalo ng iba’t ibang musical styles dahil gusto niyang ma-challenge ang sarili. Hinahabol ang kanyang karera sa musika bilang unang Ppop Soloist ng AQ Prime Music. Gustong-gusto ni Zéla na ibahagi ang kanyang mga likha upang magbigay ng inspirasyon sa mas maraming tao sa pamamagitan ng kanyang musika.

Noong Setyembre 2023, nag-debut siya sa nag-iisang Karma. Ginawaran siya bilang Philippine Pop Top New Artist Of The Year ilang buwan pagkatapos niyang mag-debut. Sinundan ng kanyang 2nd single na Pogi Boy makalipas ang isang taon. At bumalik siya na may dalang isang solong 01/01 sa kanyang kaarawan bilang regalo sa kanyang mga tagahanga.

Nabigyan siya ng pagkakataon na maging nag-iisang PPop Soloist act na magtanghal sa 1st Waterbomb Festival sa Maynila noong 2025 ng Pebrero.

Sa paglulunsad sa kanya ng AQ Prime, ilalabas na niya ang kanyang superpower sa pamamagitan ng mga kantang tiyak na magpapakilala sa kanya sa  buong mundo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …