Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
AZ Martinez Gracee Angeles SCD Skin Care Depot

AZ Martinez dinaragsa ngblessings

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAGUGULAT pa rin si AZ Martinez sa importansiyang natatanggap niya matapos ang partisipayon sa Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition.

Humarap si AZ kamakailan nang ipakilala siya ni Ms Gracee Angeles, CEO ng SCD (Skin Care Depot) bilang dagdag na endorser ng kanyang produkto.

Ang pagiging endorser ng SCD ang isa sa maituturing na sunod-sunod na blessings na natatanggap ni AZ after ng PBB.

Ako, honestly, sobrang overwhelmed pa rin ako with the popularity, the attention that I’m getting.

“Sobrang na-amaze ako that there are fans, that there are people supporting, ‘yung 

efforts na nagagawa nila,” sambit ni AZ.

Malaking blessing po ang 2025 for me,” pag-amin pa ng dalaga.

It’s full of surprises, maraming unexpected na nangyayari, pero full of blessings po. Masasabi ko po na ito yung year ko. Thank God, I’ve been praying for this for the longest time. Now na nandito na, sobrang grateful ako.”

Sinabi pa ni AZ na mananatili siyang grounded sa kabila ng napakaraming blessings na dumarating.

Hindi rin daw niya hahayaang matangay ng popularidad 

Sobrang grateful ako, but I always put in mind na stay grounded.

“Always remember my core, kung bakit ako nandito, kung bakit ako napunta rito, not forgetting kung paano ako napunta rito, and ‘yung mga taong nakasama kong pumunta rito.

Nalaman din naming kay Anne Curtis pala siya humahanga at ito ang kanyang iniidolo.

Sobrang-ganda po talaga ako sa kanya.

“I met her first time sa premiere niya noong ‘It’s Okay To Be Not Okay.’

“And I’m so happy I met her, I told her I’m a fan, so ayun po, nag-fangirl din po ako.”

Ukol naman sa pagkapili ni Ms Gracee kay AZ bilang endorser, sinabi nitong dahil na rin sa lakas ng dating nito nang masama sa PBB.

Aniya, nagtataglay si AZ ng panloob na ningning bilang karagdagan sa kanyang pisikal na kagandahan.

Pero hindi naging madali para makuha nila si AZ.

Pagtatapat ni Ms Gravee, “we battled, may kinulit kami.

 “We used our power to get AZ Martinez because we love her and we want her in our company. We tried our best to get her. Habang nasa loob pa si AZ, talagang kinukulit na namin. Luckily, we won to get her.”

Idinagdag pa ni Ms Gracee na, “What we appreciate about AZ is that, despite her current popularity, she stays humble. She represents grace and confidence, making her an ideal endorser for our lotion. Her admirers will be more excited once we go on mall visits.

Bukod sa napakaganda at napakakinis, very charming and napaka-confident sa sarili. Also, ‘yung authenticity niya at sikat na sikat siya ngayon.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …