Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices

Innervoices laging patok, dinudumog mga gig sa bar

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

DALAWANG beses na kaming naimbitahan sa gig ng Innervoices. Una ay sa Tunnel Bar sa Parqal Mall, Macapagal Avenue at ikalawa sa Noctos Bar, Sct Tuazon, Quezon City. Parehong punompuno at talagang enjoy ang mga nagtutungo sa bar.

Bukod kasi sa maganda ang repertoire ng grupo na kinabibilangan ng kanilang leader at keyboardist na si Atty. Rey BergadoPatrick Marcelino (lead vocalist), Joseph Cruz (keyboard), Joseph Esparrago(drums), Alvin Hebron (bass), at Rene Tecson (lead guitar), may participation ang bar goers.

Alam din ng Innervoices kung anong patok na musika sa mga nagba-bar, mapa-80’s, 90’s o latest hits kaya nilang kantahin at tugtugin. At kahit nga ang kanilang mga latest song tulad ng Meant to Be at Galaw ay patok sa mga nakaririnig.

Hindi na baguhan ang Innervoices sa larangan ng musika at pagtugtog sa iba’t ibang bar. May mga umalis man, nananatiling buo ang grupo dahil na rin ang kanilang lider na si Atty Rey ay malaki ang tiwalang maraming musika pa rin silang magagawa at maiparirinig sa publiko.

Aminado si Atty Rey na nagkakaroon din sila ng hindi pagkaka-unawaan tulad din ng magkakd.

Pero naisaantabi naman namin,” ani Atty Rey nang makahuntahan namin ang grupo bago ang pagsalang nila sa Noctos Music Bar noong August 5.

At dahil nasa banda, hindi na bago na pagkaguluhan o lapitin ng mga babae. Kaya naman natanong ang grupo kung sino ba sa kanila iyong malakas ang karisma sa chicks. At kapwa itinuro sina Atty Rey at ang kanilang vocalist na si Patrick.

Hindi naman, parang si Joseph,” pagdepensa ng dalawa.

Ninetees pa nabuo ang Innervoices at hanggang ngayon ay narito pa sila. Ang sikreto, lahat sila ay kumakanta. Tulad ni Atty Rey na ilang beses na naming narinig at napanood na kumakanta.

Bihira, bihira (si Atty) pero ako lang ang nakapagpakanta ryan,” pagmamalaki ni Patrick.

Kapag pinilit,” susog na sagot naman ni Atty. Rey

Gusto ng grupo na maka-collab si Gary Valenciano, ang South Border, Side A Band at marami pang iba.

Wish naman ni Atty Rey na makasama niyang tumugtog sa labas ng bansa ang bagong ka-grupo.

Itong batch na ito kasi hindi pa eh (show abroad). Pero we’re hopeful and positive na makakapag-perform kami outside ng ‘Pinas,” giit pa ni Atty. Rey.

At kung makakapag-perform sila abroad unang-una sa listahan ng Singapore.

I live there for ten years,” anang bokalista ng grupo. “And marami akong kilalang bar owners na mga Filipino.

We’re just waiting for one hit song talaga (para makapag-umpisa tumugtog abroad).  And they are waiting for us,” giit pa ni Patrick.

At sa mga awiting ini-release nila tulad ng Meant to Be at Galaw na marami ang nakagugusto, hindi malayong mag-hit ito.

It’s doing good and maganda ang pagtanggap ng tao. And napansin namin iba-iba ang gusto nila,” wika pa ni Atty.

Ang iba pang kanta ng Innervoices ay ang Idlip, T. H. A. L. (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa), Saksi Ang Mga Tala, Handa Na Kitang Mahalin, at ang Sayaw Sa Ilalim Ng Buwan.

Tumutugtog din ang Innervoices sa 19 East Bar and Restaurant (na pag-aari ni Wowee Posadas), Hard Rock Café sa Glorietta sa Ayala, at sa Aromata sa Scout Lazcano, QC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …