MATABIL
ni John Fontanilla
MARIING pinabulaanan ng businesswoman-talent manager na si Ms. Beverly Labadlabad ang bali-balita na may intimate relationship sa alagang si Elias J TV, Cebuano Reggae Singer.
Ayon kay Ms Beverly nang humarap sa ilang piling entertainment press kasama ang mga lawyer na sina Atty. Ferdinand Topacio at Atty. Ivan Patrick Ang, “Bilang manager po, bilang magkatrabaho, tinanggap ko talaga siya bilang kapatid.
“’Yun ang turing ko sa kanya, kasi once na kayo ay magkatrabaho, kailangan talaga na mayroon kayong communication. So, bilang kapatid, yes.”
Dagdag pa ng manager, “‘Yung mga kontrobersiya, hindi po ‘yun totoo, may asawa po ako.
“’Yung lahat ng mga trending ngayon, [ang masasabi ko ay hindi po mang-aagaw si Ms. Beverly.] So, ‘yun na po ‘yun,” giit pa.
Nagsimula raw ang hindi pagkakaunawaan nina Ms Beverly at Elias dahil sa pagseselos ng asawa ng Cebuano Reggae singer.
“May pa lang, nalaman ko na nag-start na pala magselos, nag-message ako sa partner ni Elias, sabi ko baka mayroon kang time, then we can sit down together, kung ano man ‘yung mga usap-usapan, upuan natin, so, ‘yun.
“Nagkita kami sa Cebu. Sinabihan ko siya na trabaho lang talaga dahil may asawa po ako.
“Ipinaliwanag ko sa puso niya. Pero hindi ko inasahan na mas lumala pala, kahit picture lang, selos pa rin nang selos.
“So hindi ko talaga mako-control ‘yun, lalo na sa time, sa schedule namin. Kaya siguro nag-viral.
“Sabi ko naman na huwag pakialaman ‘yung management, kasi naka-focus talaga ako roon sa banda, not only Elias ‘yung hawak ko, buong banda po.
“So, as a first time manager, hindi talaga mabilis mag-manage,” pahayag pa ni Ms Beverly.
First week daw ng July last na nakausap ni Ms Beverly ang partner ni Elias, “Nakausap ko siya noong first week ng July bago pumutok ‘yung issue.
“Pero noong July 28, pumunta siya sa office. Tinawag ko kasi si Elias na kung ano man ‘yung problema natin, puwede natin upuan, so, pumunta rin doon ang partner niya.
” Gusto ko sana siyang kausapin noon, kinausap ko ‘yung lawyer niya na andito na siya sa office ko, rito na sa meeting room.
“Sabi ko, pwede ba papasukin siya rito sa office room ko. Puwede ko siyang kausapin.
” Ang sa akin naman, kung ano mang problema, kailangan talagang upuan natin, huwag nang mas lumala pa, so, hindi natin na-please.
“Hindi naman lahat ng tao ay mapi-please natin. So, ‘yun, hindi kami nagkausap,” tsika pa ng manager.
Kung hindi raw haharap at makikipag-usap si Elias kay Ms Beverly para maayos ang kanilang problema ay idedemanda raw niya ang singer.
Naunang idinemanda ni Ms Beverly ang ilang vloggers na nambu-bully at nagkakalat ng nakasisirang balita tulad ng reputasyon niya.
Bukas ang aming espasyo para sa side ni Elias at ng partner nito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com