Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
100 Awit Para Kay Stella Bela Padilla JC Santos Kyle Echarri

JC nahirapang balikan karakter ni Fidel

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAKALIPAS ang walong taon mula nang ipalabas ang 100 Tula Para Kay Stella ay ipaLalabas naman ang 100 Awit Para Kay Stella.

Muling gaganap sina JC Santos bilang Fidel at Bela Padilla bilang Stella.

Paano muling hinugot ni JC ang karakter ni Fidel?

“Yes, 8 years,” at natawa si JC. “Every time nakikita ako ng mga tao si Bela ‘yung naiisip nila eH, ‘Uy si ano, ‘yung partner ni Bela!’

“Tapos siyempre maaalala nila ‘yung title ng pelikula ang I’m happy about it kasi naaalala nila ‘yung trabaho ko.

“At least naalala nila si Fidel and I’m happy about that and Fidel is such a fun character for me. Noong binalikan ko siya ulit emotionally ang hirap balikan kasi marami akong points kay Fidel na attitude-wise, hindi ako nag-a-agree as a person.

“As kung sino man si Fidel, alam mo ‘yun? Pero siyempre I have to give sympathy to the character at kailangan ko siyang bigyan ng hustisya.

“Kailangan ko siyang ipaintindi sa audience, kung paano siya as a person at para rin magkaroon ng awareness ang audience na, ‘Ah, this is him!’

“And also with the, ‘yung kanyang  defect, it was like riding a bike,” at muling natawa si JC.

May speech defect si Fidel sa pelikula.

Pagpapatuloy pa ni JC, “Kasi si Fidel ‘di ba he has a pattern, ‘di ba ‘yung three words. So, nagkaroon na kami ng mahabang-mahabang usapan about it, kung paano na siya ngayon, bilang after a few years simula noong una.

“And ngayon nag-mature na siya, nagbago ba, kumusta na siya?

Ipalalabas sa mga sinehan sa September ang 100 Awit Para Kay Stella, sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana at mula sa produksiyon ng Viva Films

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …