RATED R
ni Rommel Gonzales
NAGING host si Melai Cantiveros ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition na ang hosts at housemates ay pinagsama-samang Kapamilya at Kapuso stars.
Ano ang saloobin ni Melai sa naging collab ng dalawang higanteng TV networks?
“Parang nabusog ako,” hirit ni Melai. “Hindi… kasi bakit?
“Grabe ‘yung sigsig-liglig talaga na ibinigay ng dalawang network na pinagsama talaga.
“‘Yung alam mo ‘yung pinagsama ‘yung dalawang mindsetting, anong tawag doon? Utak ng dalawang network kaya talagang sabog!
“Sumabog ang Pinoy Big Brother.”
Personally, kung tatanungin si Melai ay si Rochelle Pangilinan ang choice niya na pumasok sa Bahay Ni Kuya sakaling magkaroon ng kasunod na collab ang GMA at ABS-CBN sa PBB.
“Gusto ko si ate Rochelle!
“Kasi nagtatanong siya sa akin kanina, ‘Paano ba ‘yung Pinoy Big Brother?’
“Ibig sabihin nagtatanong ka ibig sabihin parang mayroon kang interes. Kasi hindi ka puwedeng pumasok na hindi buo ‘yung puso mo, eh.
“So siya nakitaan ko na parang, ‘Ah, may interes siya.’
“Kasi parang, natutuwa raw si Mr. Art sa ‘PBB,’ ‘yung asawa ni Ms. Rochelle,” pagtukoy ni Melai kay Arthur Solinap.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com