GINAWANG headline kamakailan ang lipstick ni Senator Risa Hontiveros dahil mumurahin lamang ito.
Ayon sa artikulo ng Preview.ph, ang lipstick ni Risa ay nagkakahalaga lang ng P549.
Napili ng make-up artist ni Hontiveros na si Jim Ros ang pinaghalong kulay ng pink at brown para lumutang ang pagiging simple ng Senadora.
Nag-trending naman sa online chat ang lipstick ni Risa dahil hindi kumupas ang kulay nito kahit pa matagal siyang nakipag-usap sa media.
Nakailang post na rin sa social media si Hontiveros na nagpapa-make-up at tinawag itong Risa Hontiveros School of Editing.
Tinawag naman kamakailan ni dating Senador Antonio Trillanes si Hontiveros bilang pinakamalakas na pambato ng oposisyon laban kay Vice President Sara Duterte sa darating na presidential election sa 2028.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com