Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

90 electric coops mas mababa pa singil sa koryente kaysa Meralco — NEA

080625 Hataw Frontpage

HATAW News Team

NASA 90 electric cooperatives ang nakapagtatakda ng mas murang singil sa koryente kompara sa Manila Electric Company (Meralco), ang pinakamalaking power distributor sa bansa, ayon kay National Electrification Administration (NEA) Administrator Antonio Mariano Almeda.

Sa panayam ng isang lokal na himpilan ng radyo kay Almeda sinabi nitong batay sa kanilang nakalap na datos, sa kabuuang 121 electric cooperatives sa bansa ay 90 dito o nasa 74% ang nakapagseserbisyo ng mas murang singil sa koryente kaysa power rates ng Meralco.

Ito ay sa kabila na mayroon pang mga impraestrukstura at nag-o-operate sa urban center ang Meralco kompara sa electric cooperatives na limitado ang financial resources at sa mga liblib na lugar nag-o-operate.

Batay sa comparative analysis data na nakuha ng NEA, lumilitaw na mula Enero 2024 hanggang Hunyo 2025 ay napanatili ng mga electric cooperatives ang mababang presyo ng kanilang koryente, nasa P1.00 hanggang P4.00 kada kWh mas mababang singil nila kompara sa Meralco.

Ang mga electric cooperatives ang nagsu-supply ng koryente sa mga probinsiya gaya ng BARMM, CARAGA, Cordillera Autonomous Regiopn (CAR), Region 3, 5, 7, 9, 11 at 12.

“This is something that deserves commendation. The electric cooperatives have proven that they can offer more affordable electricity to Filipino consumers even compared to Meralco,” pahayag ni Almeda.

Ilang consumer advocacy groups at energy watchdogs ang umaalma sa hindi bumababang power rate ng Meralco, nitong buwan ng Hulyo ay muling nagpatupad ang Meralco ng P0.4883 dagdag na singil, at sa kasalukuyan ay nasa ₱12.6435 per kWh ang singil nito sa koryente.

Ang electricity rate ng Meralco ang pinakamataas sa buong Southeast Asia.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinapakitang mas mataas ang singil ng Meralco kompara sa maliliit na electric cooperatives dahil noong 2023 ay ito na rin ang reklamo ni Philreca Rep. Presley de Jesus.

Aniya, bakit hindi kayang pababain ng Meralco ang singil sa koryente na kayang gawin ng mga electric cooperatives.

“If we compare to Meralco, these cooperatives are so small. Meralco holds essentially a mega franchise with the largest captive market,” nauna nitong pahayag.

Dagdag niya, “sa lawak ng customer base ng Meralco at may modernong pasilidad, dapat ay pababa ang singil nito ngunit kabaliktaran dahil pataas pa ang kanilang singil.”

Ang Meralco ay may 8 milyong customer mula sa 39 lungsod at 72 munisipalidad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …