RATED R
ni Rommel Gonzales
HINDI gaanong nagpaplano si Judy Ann Santos-Agoncillo sa mga proyektong ginagawa.
“Hindi talaga ako masyadong nagpaplano when it comes to acting.
“Hindi naman sa pag-aano, pero para kasi sa akin, ‘pag napulsuhan kong maganda ‘yung inilatag na proyekto sa akin, and then kaya ng puso at isipan ko, go.
“Kung worth it ‘yung time ko na mawala, kung worth it ‘yung project na trabahuhin, why not?
“Ngayon lang kasi may nakabangko pa ako na ‘The Bagman’ at saka ‘Call My Manager’ so parang, for now, good ako in acting.
“Siguro moving forward, baka mag-focus muna ako… magpapasukan na kasi ‘yung mga bata so magiging mommy muna ako.
“Eventually, I’d go back to Judy Ann’s Kitchen, come up with my cookbook.
“Matagal na talaga ‘yun, kumbaga, inabot pa ng pandemic so ang dami ng nangyari.
“Parang it’s time to give that some attention already.”
Bago niyang endorsement ang isang online lending app na tumutulong sa mga nais masolusyonan ang kanilang pinansiyal na problema.
“This lending app is actually teaching you to be responsible and at the same time empowering you na maniwala ka sa sarili mo, ‘Puwede ito, kaya ito.’
“Pero kailangan mo lang, again, babalik tayo sa hindi tayo puwedeng maging Juan Tamad.
“Kailangan, Juan Masipag tayo kasi pumasok na ‘yung una mong paa sa pintuan ng pangarap mo, eh.
“Kailangan mong baguhin ang mindset mo.
“Kailangan mong maging responsible para sa pangkabuuan, at the end of the day, malaki ‘yung maiuwi mo.
“May natutunan ka, naging successful ka pa. You don’t have to start big.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com