Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MaxBoyz Wolf Jser Leon

Wolf ng MaxBoyz isang tunay na Datu

RATED R
ni Rommel Gonzales

STANDOUT agad sa grupong kinabibilangan niya na MaxBoyz si Wolf dahil sa bansag sa kanyang “The Datu.”

Napag-alaman pa namin, isa siyang tunay na datu sa tunay na buhay.

Jser Leon ang tunay niyang pangalan at nabibilang sa tribong Gaddang at Ybanag.

“My family is from Luzon, Visayas, and Mindanao. My dad is from Visayas and Mindanao, while my mom is from upper north.”

Ang lola ni Wolf ay prinsesa ng kanilang tribo na  Ybanag-Tuguegarao.

May mga kamag-anak din sila sa ibang tribo na tulad ng Gaddang mula sa Cauayan, Isabela.

Si Wolf ay isa sa 14 na miyembro ng MaxBoyz, na all-male group na mga talent ng Wildstar Media Production.

Si Wolf, 26, isa ring kontesero na kinoronahang Hari Republika Pilipinas nitong Mayo 2025 at magiging kinatawan ng ating bansa sa King Republik Continent International na magaganap sa Agosto 20 hanggang Agosto 25, 2025.

Sumali si Jser o Wolf sa MaxBoyz para matupad ang pangarap na makapasok sa entertainment industry.

Gusto ko pong umarte sa harap ng kamera at ine-expect ko na lalong gumaling pa sa larangan ng showbiz at sa ibang bagay pa na kaya kong gawin.

“As MaxBoyz member po, it’s really a roller-coaster challenge po sa akin at sa aming lahat because it’s not that easy to be one of the members.

“Ang akala ko nga po hindi na ako makukuha. When I joined the audition, ipinagpasa-Diyos ko po ang lahat. I know that He’s been guiding me.

“And when I got in, every day po akong nagta-travel from Tarlac to Manila for our training dahil willing talaga akong matuto dahil bago sa akin ang ganitong field.

“I am very happy po to be a part of MaxBoyz and marami pa po kaming ipakikita na kakaiba at kagigiliwan ng manonood.”

Ayon sa MaxBoyz ay sila ang Philippine counterpart ng Magic Mike na grupo mula sa pelikula ng Hollywood actor na si Channing Tatum na tungkol sa male stripteasers.

Ang former dancer na si Mariposa Cabigquez (of the Mariposa, Luninging at Milagring group noon sa Wowowee) ang manager ng MaxBoyz bilang CEO at President ng Wildstar Media Production.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …