Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alan Peter Cayetano Lani Cayetano GMA Gala Night

Cayetanos, nakiisa sa GMA Gala Night 2025

NAKIISA sina Senador Alan Peter Cayetano at City of Taguig Mayor Lani Cayetano sa ilan sa pinakamalalaking bituin sa bansa sa GMA Gala Night nitong Sabado, 2 Agosto 2025.

Ipinagdiwang sa okasyon ang dalawang mahalagang anibersaryo ng Kapuso Network — ang ika-75 taon ng GMA at ang ika-30 anibersaryo ng Sparkle GMA Artist Center.

Dumalo si Senador Alan bilang bahagi ng kanyang public affairs show na “Cayetano in Action with Boy Abunda (CIA with BA).” Kasama niya sa award-winning na programa, na nasa 11th season na, sina Senador  Pia Cayetano at batikang talk show host na si Boy Abunda.

Handog ng CIA with BA ang mga totoong kuwento at legal na payo na magagamit ng mga manonood sa kanilang araw-araw na buhay.

Ipinagpapatuloy nito ang naiambag ng kanilang yumaong ama na si Senador Rene Cayetano sa larangan ng public service media.

Si Senador Rene ang nasa likod ng programang “Compañero y Compañera” noong dekada ‘90 at unang bahagi ng 2000s, na tumulong sa maraming Filipino sa kanilang mga problemang legal.

Kamakailan, itinanghal ang CIA with BA bilang Best Public Affairs Program sa 38th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television. Pinarangalan din ang mga host nito bilang Best Public Affairs Program Host.

Nagpasalamat si Senador Alan sa patuloy na suporta ng mga manonood.

“We try to keep things entertaining, but more importantly, we make sure the show really helps people solve their problems. That’s what matters most,” aniya.

Mapapanood ang CIA with BA tuwing Linggo, 11:00 ng gabi sa GMA 7. Available din ang mga episode sa opisyal na YouTube channel ng GMA. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …