Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rep. Brian Poe, DOJ Usec Gutierrez, powerful duo sa serbisyo publiko

080525 Hataw Frontpage

HATAW News Team

SA MAKASAYSAYANG State of the Nation Address (SONA), bida ang bagong halal na FPJ Panday Bayanihan Partylist Representative Brian Poe Llamanzares nang sabay silang dumating at kapit-braso ni Department of Justice Undersecretary Margarita “Marge” Gutierrez, na nagdulot ng paghanga at usap usapan sa social media at mga pahayagan.

Opisyal na nanumpa si Brian Poe noong 30 Hunyo 2025, bilang kinatawan sa 20th Congress sa edad na 33, siya ay kilala bilang isang civic leader, negosyante, pilantropo, at tagapagtaguyod ng sustainable future—ipinapagpatuloy ang legasiya ni Fernando Poe Jr., habang tinatahak ang sarili niyang landas tungo sa progresibong batas at pagbibigay-kapangyarihan sa Lipunan.

Si DOJ Usec Margarita “Marge” Gutierrez naman ay kinilala bilang isa sa Top 50 Most Influential Filipinos ng Rising Tigers Magazine dahil sa kanyang kontribusyon sa reporma sa batas at serbisyo publiko.

Sa SONA, ang kanyang presensiya at pagsuporta kay Cong. Brian Poe ay nagsilbing simbolo ng pagkakaisa at bagong aspirasyon sa pamahalaan. Maraming tagamasid ang nagsabing ang kanilang magkatuwang na pagdalo ay simbolo ng matibay na kolaborasyon sa pagitan ng lehislatura at justice department.

Pinuri sila ng publiko dahil sa kanilang propesyonalismo, dignidad, at simbolo ng pagkakaisa across government corridors. Habang isinusulong ni Poe ang kanyang mga priority bills, kabilang ang libel law at pagpapalakas ng ekonomikong pag-unlad kasama ang sustenableng mga polisiya.

Habang ang legal reform credentials ni Gutierrez ay patunay sa bigat at lalim ng kanilang shared public mission. Ang bagong tandem na ito ay nagbibigay ng bagong pag-asa at sigla sa susunod na henerasyon ng pamumuno: kabataan, may prinsipyo, at nakatuon sa kinabukasan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …