Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joey Salceda ICJ International Court of Justice

Salceda: ‘Other ruling’ ng ICJ, pinatibay ang panawagan ng Pilipinas na tuldukan na ang ‘Climate Injustice’

PINAPUGAYAN ni dating Congressman Joey Sarte Salceda ng Albay ang makasaysayang ‘advisory opinion’ ng ‘International Court of Justice’ (ICJ) sa The Hague, Netherlands na nagpatibay sa nakaraang panawagan ng Pilipinas sa ‘international community’ na aksiyunan agad ang ‘climate injustice’ na matagal nang pinapasan ng mahihirap na bansa.

Ang tinutukoy ni Salceda na dating ‘co-chairman’ ng ‘UN Green Climate Fund’ at ‘UN Senior Global Champion for Disaster Risk Reduction,’ ay ang makasaysayang pasiya ng ICJ nitong nakaraang Hulyo 23 na nagbibigay karapatan sa mga bansa na kasuhan ang kapwa nilang bansa kaugnay sa ‘climate change’ o pagbabago ng klima, kasama ang pagbuga ng mga patapong singaw na hangin na nagpapainit sa mundo.

“Sa naturang desisyon, ipinahayag ng ICJ na ang mga bansa at mayroong obligasyong legal na hadlangan ang pagsira sa klima, bawasan ang singaw ng pampainit na hangin at iayon ito sa target na 1.5-degree Celsius, at suportahan ang mahihinang bansa na karaniwang nagiging biktima ng matinding kawalan at kasiraan” dulot ng ‘climate change, ayon sa isang artikulong sinulat ng dating mambabatas, na pinamagatang “The Other Ruling from The Hague: Climate Justice and the Judgement That Will Shape Our Future.”

“Para sa Pilipinas, pinatitibay ng kapasiyahang ito ang matagal na nating piniling daan. Noong Setyembre 2022, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kauna-unahang talumpati  niya sa United Nations General Assembly na ang ‘climate change’ ang magiging sentro ng ‘foreign policy’ o patakarang panlabas ng Pilipinas. Tinawag niya itong “historical injustice” o makasaysayang kawalan ng hustisya, at nanawagan siya sa ‘international community’ na kaagad itong tugunan,” sabi niya sa kanyang artikulo.  

“Ang naturang talumpati ni Pangulong Marcos ay hindi pampa-poging pahayag lamang. Isa itong estratehikong pahiwatig na sa ilalim ng kanyang pamumuno, kasama ang Pilipinas sa unang hanay ng ‘climate justice diplomacy,’” dagdag ni Salceda.   

Nang ipinahayag ito ng Pangulo, hindi pa noon naitatatag ang ‘Loss and Damage Fund’ ng UN, ngunit pinag-uusapan na ang kaisipang iyon. Nang nalikha na ang Pundo noong 2023, kumilos agad and Pilipinas at hiniling na sa bansa na ipwesto ang tagapamahalang ‘Board’ o Kalipunan nito.  Tinanggap naman ang kahilingang ito kaya dito sa Pilipinas itatalaga ang tanggapan ng ‘UN Loss and Damage Fund Board.’

Ayon kay Salceda, ang “prinsipyo ng ‘international compensation’ o bayad sa kasiraan at kawalang likha ng ‘climate change’ ay nauna nang pinag-usapan at binalangkas sa mga ‘multilateral institutions’ sa pangunguna ng UN Green Climate Fund.” Noong 2013, ipinanukala si Salceda ng ‘Group of 77’ at China, na kumakatawan sa bansang umuunlad, na maging ‘co-chairman’ ng ‘United Nations Green Climate Fund.’ 

“Ang ‘Green Climate Fund’ ay hindi pang-kawanggawa. Isa itong sistema ng binalangkas na responsibilidad o pananagutan. Ginawa nitong tungkulin ang ‘climate finance’ mula sa pagiging kabutihang loob lamang. Batay ito sa prinsipyong pinagtibay na ng ICJ at dapat itong unawain sa ganoong konteksto,” paliwanag ni Salceda.

“Ang mahihirap na bansa, lalo na yung pinalalim pa ng ‘climate change’ ang kahirapan, ay dapat unawaing may karapatan sila sa hindi masyadong mahal, mapagkakatiwalaan at madaling maabot na enerhiya. Ito’y isang karapatang matagal ko nang pinaninindigan at ipinagtatanggol. Dapat maging madaling maabot ang malinis na enerhiya, hindi sa pamamagitan ng pagtataas ng halaga nito para sa mahihirap, kundi sa pag-obliga sa mga nagpaparumi ng kalawakan para mapunduhan ang kailangang mga pagbabago,” giit ng dating mambabatas.

Ipinaliwanag ni Salceda na hindi binubura ng desisyon ng ICJ ang karapatan nating magpasingaw ng patapong hangin, ngunit sa maka-sensiya at makatwirang hangganan lamang. Pinatitibay din ng katwirang ito na kung nais ng mundo na ang mga bansang katulad ng atin na mabilis magtaponng karbon, dapat italaga ang tamang pamamaraang gawin ito. Kasama nito ang akmang mga impraestraktura, teknolohiya, pundong hindi masyadong mahal bayaran, at madaling maabot na ‘green markets, o luntiang merkado.”

“Kung sakali namang walang suportang kusang lalapit, dapat magtanong ang mundo ng higit na makirap na katanungan: Kung ayaw nilang magbigay, meron ba tayong makukuha? Maituturing bang ang patuloy na paggamit ng mumurahing enerhiya gaya ng karbon o uling, ay mabisang paraan upang makabawi ang mahihirap na bansa ng mga nawala sa kanila, dulot ng kawalang ginawa sa problema?” tanong ni Salceda sa kanyang artikulo.

Ayon kay Salceda, hindi naghintay ng pagkilala ang Pilipinas, kahit tumulong tayo sa pagbibigay hugis sa pandaigdigang adyenda kaugnay sa klima.   

“Mula sa nauna nang pahayag ni Pangulong Marcos sa United Nations General Assembly, tungo sa pangunguna natin sa ‘climate finance at pagiging ‘host’ sa ‘Loss and Damage Fund Board, hindi tayo humingi ng permiso para manguna. Nanguna tayo talaga at dapat magpatuloy ito ngunit batay din dapat sa isang mahalagang pag-unawa,” madiing giit ni Salceda.

“Sa ugat ng hustisya sa klima, nandoon din ang hustisyang pang-ekonomiya. Hindi maaaring sapilitang ipatong ng mundo ang ambisyon nito sa mahihirap kung hindi naman sila bibigyan ng mga kagamitan upang habang manatili silang buhay,” patapos niyang pahayag.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …