Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kontrobersiyal na love scene nina Zaijian at Jane mapapanood sa episode 10 ng Si Sol at si Luna

HABANG papalapit na ang pagpapalabas ng pinaka-kontrobersiyal na episode ng hit na digital serye ng Puregold, lumalalim naman ang emosyon at mas nagiging komplikado pa ang kuwento nina Sol (Zaijian Jaranilla) at Luna (Jane Oineza).

Sa huling episode ng Si Sol at si Lunana pinamagatang “Missing person: Luna,” tila lumalayo si Luna matapos halikan si Sol sa elevator ng opisina. Ikinatuwa ng mga manonood ang sandali ng kilig na mistulang simula ng paglalim ng relasyon ng dalawa, subalit biglang lumayo si Luna.

Matapos siyang komprontahin ni Ara (Karina Bautista), at sabihang layuan si Sol na hindi hamak na mas bata sa kaniya, lalong nalito si Luna dahil nagtapat din sa kanya ang team leader na si Ben (Joao Constancia): gusto kita, Luna.

Sa dulo ng episode, inamin din ni Ara na nahuhulog na siya para kay Sol.

Damang-dama ng mga tauhan ang pagnanais, pagdududa, at pagdadalamhati, kaya naiwan ang tanong sa mga manonood–kakayanin ba nina Sol at Luna ang panghuhusga ng mundo, gayong malinaw na may nararamdaman din sila para sa isa’t isa?

Kapana-panabik lalo ang susunod na palabas ng serye, dahil ipakikita na ng Si Sol at si Luna ang kauna-unahang onscreen love scene ni Zaijian.

Mas kilala ng nakararami sa kanyang mga ginampanan bilang batang aktor, minamarkahan ng karakter niya ang pagbabago sa karera, tungo sa mas emosyonal at mature na mga materyal.

Nauna nang ipasilip sa mga trailer, inaasahang mapangahas at maselan ang love scene, na magtatampok sa dalawang tauhang hinaharap ang pamantayan ng lipunan tungkol sa edad, pagdadalamhati, at pagrerelasyon.

Bibigyang-diin ng eksena ang kontrobersiya sa naratibo, dahil lalo nitong itatanghal ang agwat sa edad nina Sol at Luna. Hindi lamang kontrobersiyal ang love scene, pati na rin ang mga inilalatag nitong katanungan: Kaya bang umibig ng dalawang taong magkaiba ang emosyonal na pinanggagalingan? Sisimulan ba ng sandaling ito ang paghilom, o palalalimin lamang ang mga sugat?

Habang patuloy lamang na pinahihigit ng serye ang kakayahan ng lokal na digital storytelling, mukhang lalong pag-uusapan ang paparating na episode ng Si Sol at si Luna.

Panoorin ang ika-10 episode, “The Eclipse,” sa Sabado, Agosto 2, 7:00 p.m. sa Puregold Channel.

Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_Ph sa Instagram, at @puregoldph sa Tiktok para sa karagdagang update at behind-the-scenes content. (MV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …