KINOMPIRMA ni Rufa Mae Quintoang pagpanaw ng asawang si Trevor Magallanes.
Ibinahagi ng komedyante sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ang mga litrato nila ng estranged husband kasama ang kanilang nag-iisang anak na si Athena.
Ayon kay Rufa Mae, durog na durog ang kanyang puso ngayon sa pagkawala ng kanyang asawa. kasabay nito ang pakiusap na bigyan sila ng sapat na panahon para makapagluksa.
Nakiusap din siya sa lahat ng mga kaibigan at nakakakilala kay Trevor na tigilan na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon hinggil sa pagpanaw nito.
Narito ang buong mensahe ni Rufa Mae ukol sa pagkamatay ng kanyang mister.
“I’m deeply saddened by this development. Hope u give us time to mourn his lost especially my daughter.
“Just pray for us that we will get thru this by the help of God!
“We are still gathering factual information about his death. Even us or his immediate family are still verifying what happened.
“So we kindly ask his friends or anyone to stop spreading fake news or mere speculations about his death.
“I am flying tomorrow for d US with my daughter so pls wait for the official announcement surrounding his death from me & his family only and not fr any other source.
“Thank u very much and pls give us respect & pray for us in this time of trial.
“Hanggang sa huli…. Hanggang sa muli,
“Mahal kita Trev.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com