SUMAKABILANG-BUHAY na ang komedyanteng si Bayani Casimiro, Jr. Arnulfo “Jude” Casimiro sa tunay na buhay, dahil sa cardiac arrest noong July 25 sa edad 57.
Ang pagpanaw ni Prinsipe K ng Okay Ka Fairy Ko ay kinompirma ng kapatid nitong si Marilou Casimiro, isa ring komedyante sa entertainment columnist na si Jojo Gabinete ng Pep.ph.
Nakaburol ang labi ni Bayani Jr. sa St. Peter’s Memorial Chapel sa Sucat, Parañaque City.
Ngayong araw, July 30 nakatakda ang cremation at libing ng komedyante sa Loyola Memorial Park, sa Parañaque.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com