Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Netizens kinilig sa love story nina Rosmar at Nathan

MARAMING kinilig sa post ng negosyante, vlogger Rosmar Tan-  Pamulaklakin sa pagdiriwang ng ikaapat na taong anibersaryo nila ng  asawang si Nathan Pamulaklakin.

Nagbalik-tanaw at ikinuwento ni Rosmar ang pagsisimula ng love story nila ni Nathan, hanggang maging mag-asawa at magkaroon ng mga anak.

Post ni Rosmar sa kanyang Facebook“Happy 4 years and  8months together.

“Ito ung araw na naging tayong dalawa ang payat pa natin dito HAHAHA tapos kagabi after natin mag midnight snack sabi mo “Mommy tingnan mo dati wala akong ganito e HAHAHA” Habang tinuturo mo ung linya sa bilbil mo. HAHAHA.

“Sabi nga kapag nasa tamang tao ka tataba ka talaga kaya eto tayo bilugan na parehas.

“Ito ung picture nung naging tayong dalawa sa tagaytay and ngayon sa TAGAYTAY na tayo nakatira. Dati rati gagawa pa tayo paraan sa endorsements at sa live pang date natin para makapag tagaytay HAHAHA 

“cutieeeee. Ngayon next month lang tatlo na anak natin. Ang bilis ng araw pero araw araw mas lumalalim ang pagmamahalan nating dalawa.

“Everyday magkayakap matulog, Lots of kisses at hugzzzz at mayat maya nag I Love Youuuhan sa isat isa. 

“thankyou for being consistent asawa ko at hindi sakit sa ulo. Ginagawa mong easy lahat ng pagbubuntis ko kasi di mo ako binibigyan ng stress.

“Never tayo nag away, never mo ako sinigawan, never mo ako hinayaan matulog ng matulungkot. Pag sa byahe sa car nakita mo palang ako malungkot kahit di naman HAHAHA tatanungin mo ako agad kung bakit at hahawakan mga kamay ko. Lagi mo ako pinag bubukas pa rin ng sasakyan pag sasakay ako. Super gentle man ayieee. Lagi mo sinasabi sakin na “Ang ganda ko” Kahit parang hindi naman. Kahit walang ayos kahit bagong gising na nakaka boost ng confidence ko. Lagi mo pinaparamdam sakin pagmamahal at pag aalaga mo. Binebeybi mo ako lagi.

“Mahal kita at mga bata. Ang daming mag asawa ang nag hihiwalay dahil sa barkada, Bisyo at pambababae. Ikaw na dating mabisyo, Babaero at puro barkada pero nung naging tayo mas pinili mo na araw araw ako lang ang kasama.

“Ngayon mag asawa na tayo mas pinili natin ang isat isa,  Wala nga ako maalala simula nung nag live in tayo HAHAHA wala akong maalala na araw na di magkahiwalay tayo. Araw araw magkasama. Naalala ko tuloy ung sabi mo na iniisip mo palang na di mo ako makakasama at makakayakap ng 1 week e nalulungkot ka na 2 weeks pa kaya? Hayaan mo daddy di mangyayari un. Malakas ako kay Lord.

“Naalala ko ung araw na natatakot ka kay papa pero nag paalam ka parin sa harap ni mama at papa na kung pwede na tayo magpakasal. HAHAHA nginig overload Lakas ng loob! HAHAHA

“Ngayon naman araw araw kasama ang mga bata. Un siguro ang sikreto ng masaya nating pagsasama ang “Focus lang sa pamilya” Literal na family first sa lahat ng bagay.

“I Love Youuu ulit thank God kasi ikaw ang binigay nyang kabiak ko na makakasama ko habang buhay. Isang perfect na asawa at ama.

“Mahal kita palagi at di magbabago un. Ikaw lang walang iba #RosthanForever  ayiiieee.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …