Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joaquin Arce Tasha Mitra Julia Mitra Ezri Mitra Angelina Cruz Montano

Angel binasag katahimikan, Regine proud tita sa 3 pamangkin; Angelina naiyak 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

ILANG taong hindi nagparamdam si Angel Locsin at tanging ang anak na lalaki ni Neil

Arce na si Joaquin lang pala ang babasag sa tatlong taong pananahimik ng aktres.

Trending at talaga namang marami ang nasorpresa sa biglang pagpo-post/promote ni Angel sa kanyang step son na si Joaquin na pinasok na rin ang pag-aartista via Star Magic.

Idinaan ni Angel sa kanyang Instagram Story ang proud na pagpo-promote kay Joaquin na mismong ang batang aktor ay nagulat sa ginawang iyon ng aktres.

Inamin ni Joaquin na sobra siyang nasorpresa nang magparamdam si Angel para batiin siya.

Me, your mom, and your dad are very proud of you [heart emoji] can’t wait to work with you,” mensahe ni Angel kay Joaquin.

Noong Biyernes isa si Joaquin sa mga anak ng royalties na pumirma ng kontrata sa Star Magic  at sinabing, “Nagulat ako. Actually, hindi sinabi sa akin na ire-repost niya ‘yong launch post ko.

As in ako rin, nabigla. Na-surprise.” 

Labis-labis din ang pasasalamat ni Joaquin sa ipinakitang suporta ng kanyang stepmom.

She broke her silence for so long, especially on Instagram… just to repost my launch post. I’m grateful. Even if, kahit step mom ko siya, fan din ako,” masayang nasabi ni Joaquin na personal na sinamahan ng kanyang amang si Neil sa ABS-CBN nang pumirma ng kontrata.

Samantala, hindi rin nagpahuli ng pagpapakita ng suporta ang Asia’s Songbird, Regine Velasquez sa tatlo niyang pamangkin kay Cacai Mitra.

Kasama ang tatlong dalaga na sina Tasha, Julia, Ezri Mitra sisters na anak nina Cacai at Ramon Mitra sa pumirma sa Star Magic o kasama sa Shining Now Star Magic.

Kasama si Regine ni Cacai noong Biyernes sa ABS-CBN at kitang-kita namin ang excitement ng singer na nakisingit para makuhanan ng picture ang pagrampa sa red carpet ng tatlong pamangkin.

Mensahe ni Regine, “I’m very proud and I just wanna tell the girls one of these things will go away but this sisters were more important talaga, for me ha. ‘Wag kayong mag-away-away. Kasi mahirap to work with family talaga. But again lahat ng ito mawawala pero ang kapatid mo will stay for you forever. I’m so proud of you girls! God bless you.” 

Napakaganda rin ng mensahe ng kanilang inang si Cacai sa Mitra sisters. Anang kanilang mamager, “I always tell them na ang happiness nila are more important than sa amin. ‘So just enjoy the ride,’ pero ang advise would be ‘respectful always, be professional, never complain. Kung magko-complain kayo, sa house lang.’ Hindi ba kapag work sometimes when you feel tired you complain, sabi ko be thankful and never complain.”

Naiyak naman si Angelina Cruz sa mensahe ng kanyang mga magulang na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Si Angelina na naghahangad na maging parehong mang-aawit at artista ay sinamahan naman ng kanyang mga kapatid na sina Samantha at Francheska.

I’m very nervous,” pag-amin ni Angelina nang kumustahin siya. “But I’m so excited for what’s to come. I’m very, very  thankful to be here, maraming-maraming salamat po.”

Handa na ngang ipakita ni Angelina ang kanyang talento sa pagkanta na marunong tumugtog ng piano, ukelele. Mahilig din siyang mag-drawing at magbasa ng mga libro. Fan siya ni Kathryn Bernardo na wish niyang makatrabaho in the future gayundin ang kanyang inang si Sunshine. Ultimate dream niya na makapagbida sa serye o pelikula. 

Watch out for me in a Kapamilya serye coming out very very soon, I’m very, very excited,” pag-anyaya niya sa netizens na ang tinutukoy ay ang pagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino, ang The Alibi sa ABS-CBN.

Mensahe ni Cesar sa anak, “Congratulations you are now Star Magic artists, wow! As much as I want to join you but, hindi bale my heart and my love is there with you to celebrate with you, okey. I ‘ll see you soon. I love you. I can’t be more proud keep it up, congratulations again.” 

Hi Angelina, congratulations. It feels me with immense pride to see you officially and finally become an artista. A dream you’ve held closed for so long. You’re dedication to self improvement has always inspired me and now that you achieved your college degree, just as I wish for you and your siblings, now you have my complete and unwavering support, 1001 percent ‘yan anak. Your dad sisters and I are so excited for this new chapter and eagerly await your first teleserye. Again anak, congratulations we are so proud of you. Goodluck I love you,” sambit naman ni Sunshine na lalong ikinaiyak ni Angelina.

Present din sa contract signing sina Patrick Garcia at asawang si Nikka Martinez-Garcia para sa kanilang anak na si Michelle Garcia  gayundin si Gladys Reyes para sa kanyang passionate singer-songwriter na anak, si Christof Roxas at ang bunsong anak ni Karla Estrada, si Carmella Ford.

Kasama rin sa Shining Now Star Magic artists sina Coach Jim Saret at Coach Toni Saret; Inigo Jose, anak ng aktor na si James Blanco; at Ice AlmeriaTime to Dance Grand champion.   

Kasama sa pagpirma ng mga bagong Star Magic Shining Now artists sina ABS-CBN COO Ms Cory Vidanes, Head ng Star Magic direk Lauren Dyogi 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …