RATED R
ni Rommel Gonzales
NGAYONG July 30, humanda ang moviegoers na magkatotoo ang pinakamasamang bangungot dahil handog ng GMA Pictures at GMA Public Affairs, ang P77, isang psychological horror film na tiyak na magpapakapit sa inyong mga upuan.
Ang pelikulaay mula sa mga lumikha ng award-winning films na Firefly at Green Bones at ng box office hit na Mallari.
Tampok sa kanyang kauna-unahang lead role sa isang horror film si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na tiyak magpapamangha sa mga manonood.
Makakasama ni Barbie sina Firefly child star at award-winning child actor Euwenn Mikaell, veteran actors Jackielou Blanco, Carlos Siguion-Reyna, Gina Pareño, Rosanna Roces, kasama sina Chrome Cosio, at JC Alcantara.
Ukol sa pag-alis ni Luna (Barbie) sa kanyang trabaho sa cruise ship para tulungan ang may sakit na kapatid (Euwenn). Kalaunan ay malalaman niyang nawawala ang kanilang nanay (Rosanna), at patuloy pang lumalala ang kondisyon ng kapatid niya. Dahil dito, palihim nilang papasukin ang Penthouse 77, isang condo unit, ngunit madidiskubre nilang hindi ito isang ordinaryong penthouse.
Tatalakayin din ng pelikula ang PTSD o Post-Traumatic Stress Disorder.
“Napaka-grounded ng story namin – it revolves around family. It will also delicately delve into PTSD or Post-Traumatic Stress Disorder. Aside from the jumpscare, this is also an awareness para mas lumawak ang ating intindi sa mga taong may PTSD,” ani Barbie.
Base angP77kuwentong likha ng Greenbones creators na sina Anj Atienza at Kristian Julao. Ang screenplay nito ay mula ng award-winning writer na si Enrico Santos sa direksyon ni New Generation Thrillmaker Derick Cabrido na kilala sa kanyang mga successful horror movies kasama ang 2023 thriller film na Mallari.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com