PATAY ang 25 katao sa magkakasunod na pagtama ng mga bagyong Crising, Dante, at Emong kasabay ng southwest monsoon o Habagat.
Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), siyam sa mga biktimang namatay ay naiulat sa Metro Manila.
Sa ulat, sinabing tig-tatlo katao ang binawian ng buhay sa Calabarzon, Western Visayas, Negros Island Region, at Northern Mindanao.
Tig-isa sa Central Luzon, Mimaropa, Davao Region, at Caraga.
Ngunit ayon sa NDRRMC, sa 25 bilang ng nasawi, tatlo pa lamang ang kompirmado. Ang isa ay namatay dahil nakoryente sa Barangay Bayugo, Meycauayan, Bulacan. Ang isa ay nabagsakan ng puno sa Barangay Poblacion, Mambajao, Camiguin, habang ang isa ay sakay ng motorsiklo at tinamaan ng bumagsak na puno sa Barangay Matin-ao, Mainit, Surigao del Norte.
Tinatayang nasa 3,849,624 katao o 1,065,779 pamilya ang naapektohan ng masamang panahon.
Sa nabanggit na bilang, 167,257 katao o 47,522 pamilya ang nasa evacuation centers. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com