Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ces Quesada Martin del Rosario

Ces Quesada ibinuking lovelife ng pamangking si Martin

RATED R
ni Rommel Gonzales

PAMANGKIN ng beteranang aktres na si Ces Quesada ang Kapuso hunk actor na si Martin del Rosario.

Sa tsikahan namin ni Tyang Ces, tawag namin sa aktres, ayon sa kanya ay malihim si Martin pagdating sa personal nitong buhay, tulad na lamang ng lovelife.

Lahad niya, “Eversince, wala pang ipinakikilala sa amin, hindi ko alam, kung dahil wala ba siyang nakikitang pangmatagalan or dahil alam niya na ‘pag nakilala namin eh talagang tatanungin namin ng kung ano-ano. Ha! Ha! Ha!

‘“Yang batang iyan wala talaga kaming nababalitaan. Kapag magkakasama kami at binibiro namin, aba’y tatawa-tawa lang.

“So kinakantiyawan naming madalas na, ‘Ano ba, kailan mo ba kami ipakikilala? Kahit… hindi mo naman pakakasalan kaagad.’

“‘Yung bang dyowa lang, kasi gusto naming kiligin… wala! Tawa lang nang tawa tapos, eh darating din siguro tayo riyan, sabi ko, ‘Baka mamaya bibiglain mo lang kami.’”

Na bibiglain sila ni Martin na may nabuntis na pala ito, biro namin kay Tyang Ces.

“Ay sabi ko, ‘Dyusko ha, may mga pinsan kang babae, huwag kang ano!’

“Ibig sabihin alam natin na sa ganitong henerasyon ay iba na ‘yung ano nila, pero ang sa akin huwag sasaktan ang babae,” sabi pa ni Tyang Ces.

In-demand sa telebisyon at pelikula si Tyang Ces; kasali siya sa pelikulang Meg & Ryan na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at JC Santos.

Ipalalabas ang Meg & Ryan sa mga sinehan dito sa Pilipinas sa August 6, 2025 at sa Australia at New Zealand sa August 14, 2025.

Mula sa direksiyon ni Catherine O. Camarillo at panulat ni Gina Marissa Tagasa, nasa pelikula rin sina Cedrick JuanJef Gaitan at introducing naman sina J-mee Katanyag, Steven Bansil, Poca OsinagaAlison Black.

Mula ito sa Pocket Media Productions. Inc. at Pocket Media Films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …