Thursday , June 4 2026
Cheche Tolentino

Cheche iiwan na ang showbiz

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA pag-ibig, totoong hahamakin ang lahat.

Tulad na lamang ng original Sexbomb member na si Cheche Tolentino, dahil sa pag-ibig ay lilisanin na niya ang Pilipinas at ang kanyang showbiz career dahil magpapakasal na sila sa US ng kanyang Fil-Am boyfriend.

Nag-apply na ako ng fiancé visa… tayo’y magpapakasal na. Wow! Ha! Ha! Ha,” ang pahayag sa amin ni Cheche.

Aminado si Cheche na mahirap sa kanyang kalooban na iwan ang bayang sinilangan pero ganoon naman talaga ang tadhana.

Iyon nga po. Pero babalik-balik po tayo.”

Hindi pa plantsado pero posibleng magkaroon ng reunion concert ang Sexbomb at kapag nangyari iyon ay kakaririn ni Cheche na umuwi at sumali sa once-in-a-lifetime event.

Bago umalis ng bansa ay tatapusin muna ni Cheche ang kanyang obligasyon bilang isa sa mga miyembro ng MamaMo, ang All-Mom P-pop girl group ng Surf2Sawa na binubuo nina Cheche at mga kapwa niya original Sexbomb girls na sina Rochelle Pangilinan at Sunshine Garcia, kasama ang Kapamilya comedienne/host na  Melai Cantiveros.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …