BACK to back hugot ang iparirinig ni Ice Seguerra simula ngayong araw, July 18 sa paglalabas niya ng dalawang bagong kanta: ‘Wag Na Lang Pala at Nandiyan Ka mula sa paparating niyang all-original album na Being Ice.
Sa kauna-unahang pagkakataon, magri-release ng full-length album na kinapapalooban ng mga awiting galing sa puso— no covers, no remake, just his own truth.
“I was so afraid to release new songs—lalo na ‘yung ako mismo ang nagsulat,” pagbabahagi ni Ice.
“What if people didn’t like it? I am a breadwinner, so parang kailangan ‘yung ginagawa ko, siguradong hit. But now, it feels freeing. I love doing acoustic songs pero sa ‘Being Ice,’ mas nagka-freedom ako to try new genre. Finally, kaya ko nang gawin ‘to. And for the first time, maririnig ng tao kung ano talaga ‘yung kwento ko,” wika pa ni Ice.
Ang Wag Na Lang Pala ay co-written ng asawa niyang si Liza Diño-Seguerra na nabuo mula sa isang tula. Para ito sa mga taong hindi kayang ilabas ang saloobin dahil natatakot silang masira ang pagkakaibigan.
“Para to sa mga Friendzoned. Hehe!“ dagdag ni Ice.
Samantala, ang Nandiyan Ka ay collab nila ni Jonathan Manalo, ang most-streamed Filipino songwriter at producer na may mahigit 7.9 billion streams at nasa ika-141 top global music producer.
Ayon sa listeners, parang modern version ng Pagdating ng Panahon ang kanta subalit ngayon tungkol sa pag-ibig na nariyan lang pala… ‘di lang natin nakita.
Isang pag-ibig na ‘di masabi. Isang hindi napansin.
Ang Being Ice Album ay produced ng Fire and Ice Music at ipinamamahagi ng ABS-CBN Star Music. Ang full album ay ilalabas sa August 8, 2025.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com