Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelo Miguel Innervoices Patrick Marcelino

Bagong bokalista ng Innervoices ‘di pressure kahit ikompara 

RATED R
ni Rommel Gonzales

BILANG bagong bokalista ng Innervoices, tinanong namin si Patrick Marcelino kung paano niya hina-handle ang comparison sa dating lead singer ng grupo.

Lahad ni Patrick, “It’s very normal naman po talaga sa isang banda na minsan nagkakaroon ng changes, not only for the vocalist, but also for a musicians.

“Na may time na nagkakaroon ng problema, sometimes hindi maganda. Okay lang po iyon.

“But about the comparison, I guess I’m okay naman po because hindi po mahirap makipag-work sa Innervoices members.

“They welcome me very good, I’m so overwhelmed pa until now and I’m very happy, wala, no pressure at all.

“I just wanna showcase my talent to everyone and sa release ng aming original songs, that’s all po.”

Ang iba pang miyembro ng Innervoices ay sina Joseph Cruz (keyboard), Joseph Esparrago (drum), Alvin Hebron (bass), Rene Tecson (lead guitar), at ang leader ng grupo at keyboardist na si Atty. Rey Bergado.

Ang mga bagong kanta ng grupo ay ang Meant To Be na nilikha ni Atty. Rey, at ang Idlip, Galaw, T. H. A. L. (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa), Saksi Ang Mga Tala, Handa Na Kitang Mahalin, at ang Sayaw Sa Ilalim Ng Buwan.

Inilunsad ang mga kanta kamakailan sa 19 East Bar and Restaurant na pag-aari ni Wowee Posadas.

Napapanood din sila sa Tunnel Bar sa Parqal sa Parañaque City, sa Noctos sa Scout Tuason sa Quezon City, sa Hard Rock Café sa Glorietta sa Ayala, at sa Aromata sa Scout Lazcano, QC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …