
MAY bago nang chairman ang House Appropriations Committee na inaasahang iaanunsiyo ng liderato ng 20th Congress bago pa ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ayon sa Congress insider, majority ng House members na lumagda ng manifest of support kay Speaker Martin Romualdez ang siyang pumili kay Quezon province 2nd District Representative Jayjay Suarez para maging Chairman ng makapangyarihang House Committee on Appropriations.
Si Suarez na naging gobernadora ng Quezon ay kapartido ni Romualdez sa Lakas-CMD at anak ni former Congressman Danny Suarez na dati rin gobernador ng lalawigan.
Bilang Appropriations Chairman, nasa hurisdiksiyon nito ang pagbusisi, determina sa gastusin ng national government, kasama na ang mga dapat nitong bayarang pagkakautang, abolisyon at klasipikasyon ng mga posisyon sa gobyerno at mga may kaugnayan sa suweldo, allowance at mga benepisyo ng lahat ng kawani ng pamahalaan.
Kilala rin si Suarez na kapanalig ni Romualdez at sumuporta sa malawakang ayuda ng kongreso sa mga mamamayan ng Quezon at sa iba pang
panig ng bansa.
Mahigit 200 kongresista umano ang nagpahayag ng suporta sa pag-upo ni Suarez sa Appropriations committee ng kongreso. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com