RATED R
ni Rommel Gonzales
HININGAN namin si Gabby Concepcion ng payo para sa mga “sira” ang puso o brokenhearted tulad ng co-star niya sa My Father’s Wife ng GMA na si Jak Roberto na break na kay Barbie Forteza.
“Well, eto na nga, kaya kami nagsasama ni Jak kasi marami kaming pag-uusapan, kasi siyempre ‘yung mga nangyayari sa showbiz, eh pang-showbiz lang talaga.
“So ‘pag nag-beach kami, siyempre mag-uusap kami ng kung ano-ano.”
Yayayain daw ni Gabby si Jak sa kanyang beach house sa Batangas.
“So iyon, siguro next interview na lang, sayang ‘yung information,” at tumawa ang aktor.
Pero sa pagkakaalam ni Gabby sa mga naganap, ang break-up nina Jak at Barbie, ano ang puwede niyang words of wisdom kay Jak ngayon?
“Wala, move on lang, move on. Move forward. We don’t forget about the past, it’s hard to forget but we learn from it.”
Sila naman ni Sharon Cuneta, okay sila, ‘di ba?
“Gusto ko nga may teleserye na rin kami eh,” bulalas ni Gabby.
Puwede ba?
“Oo, puwede, tapos sama si Jak.”
Nahingan naman ng comment si Gabby sa balik-alindog ni Sharon na napaka-slim ngayon.
“Uy, congratulations, ha! She’s lost a lot of weight, she’s healthy, keep it up!”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com