Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julie Anne San Jose The Clash

Julie Anne sa mga Clasher: Nakai-inspire

RATED R
ni Rommel Gonzales

HOST si Julie Anne San Jose ng The Clash at noong bata siya ay galing din siya sa isang singing contest, ang Popstar Kids noong 2005.

Ano ang nararamdaman niya kapag nakikita ang mga contestant ng The Clash?

“Ako naaano ako, naaalala ko noong bata ako, nagtatatakbo ako kasama ng mga kasamahan ko sa ‘Popstar Kids.’ 

“Naalala ko ‘yung childhood ko kasi noong bata ako, iyon, naging Popstar Kids, alam naman ng lahat na dumaan din talaga ako roon.

“Tapos kahit na sabihing competition iyon, siyempre ine-enjoy na rin namin ‘yung youth namin, tapos nagagawa namin ang mga gusto naming gawin like bata kami pero kumakanta kami, sumasayaw kami nagpe-perform kami.”

Aware noon si Julie na nasa isang kompetisyon sila ng mga kapwa niya batang contestant sa Popstar Kids.

“Kahit bata kami pero parang kasi more than a competition parang hindi kasi namin iniisip ‘yung ganoon.

“Wala kaming rivalry sa isa’t isa tapos ‘yung the fact na kunwari may isang may sakit talagang, ‘Hindi, okay lang iyan, iano mo na lang.’

“Binibigyan namin ng encouragement ang isa’t isa para ipagpatuloy ‘yung performance or kung anumang technique ‘yung gagawin namin para sa mas mabuting performance.”

Ganoon rin daw ang nakikita niya sa Clashers ngayon.

“Nakai-inspire, especially seeing the clashers.

“Witness kami na magkakaibigan itong mga ito, lahat ng dumaan sa ‘The Clash,’ talagang magkakaibigan na rin sila, parang naging isang pamilya na rin kasi kami.

“Parang, ‘Okay competition ito, pagdating ko sa Clash Arena, okay gagawin ko ‘yung best ko pero okay tayo friends naman tayo.’”

Napapanood tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA ang The Clash na hosts sina Julie Anne at Rayver Cruzat mga hurado naman sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai Ai delas Alas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …