Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JC Santos Rhian Ramos Meg and Ryan

JC na-enjoy pakikipagtrabaho kay Rhian, Meg & Rhian punompuno ng puso

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

FIRST time magsama sa pelikula sina JC Santos at Rhian Ramos at ito ay nangyari sa Meg & Ryan ng Pocket Media Productions at idinirehe ni Catherine Camarillo pero na-feel agad nguna na may chemistry, o swak agad sila.

Sa grand presscon ng Meg & Ryan na mapapanood na sa Agosto 6, sinabi ni JC na napaka-suwerte niyang makatrabaho ang isang artista na swak agad ang kani-kanilang personalidad.

“Yes, suwerte iyon. Bihirang-bihira iyon na may makasama ka na like her na ano na siya very well known, matagal na siya sa industriya, tapos ang dali niyang kasama. Hindi ako nahirapan at all. Hinintay ko ‘yung ‘magiging diva ba siya?’ Hindi eh. wala akong naramdaman at all, and it was exciting the whole time,” excited na tsika ni JC.

At nang ipa-describe namin sa kanya si Rhian in one word, sinabi nitong complex ang aktres. 

Kasi feeling ko hindi pa siya nabibigyan ng ganoong role na may ilalabas pa. Usually directors medium ito eh, you can only give what your director wants or something. Feeling ko pwedeng lumalim pa nang lumalim ang pwede niyang gawin.

“And nakita ninyo naman ang aming direktor, punompuno ng puso, kaya ganoon ang pelikula namin, may puso,” sabi pa ng aktor. 

Naibahagi pa ni JC na maraming bago siyang ginawa sa pelikulang ito. “Challenging. I think ang daming bagong ginawa ko rito sa pelikula at sa bawat pelikulang ginagawa ako, maraming bago. 

“As much as possible to refresh, ginagawa kong fabricated iyong character. Ayaw ko namang pang-surface level lang siya. Gusto ko iyong kita ang struggles niya, pinagdaraanan niya and bagong circumstances, iyong ganoon.

“Hindi naman laging nagbabago…gusto ko siyang maging tao, may puso. So iyon pa lang challenging na. Kasi ayaw ko siyang maging cartoons, caricature, stereo type,” wika pa ni JC na gumanap na isang conservative Draftsman na nakararanas na ng midlife crisis at nakakilala ng isang rich reckless girl in her late 20s.

Sinabi pa ni JC na nagpapasalamat siya na tinanggap ni Rhian ang pelikula. Na-enjoy nga raw niya ang pakikipagtrabaho sa aktres. First time pala silang nagkatrabaho ng aktres.

It was so effortless working with her. I’m really glad I was able to work with her and the good thing is, she’s okay with me. She gave her soul here in this film.

“I am not an A-list actor. I’m one of those who’s too mainstream for indie and too indie for mainstream. Sometimes I think what my leading lady wou think when she’s with me.”

Hindi isang rom-com movie ang Meg & Ryan, paliwanag ni JC. “There are funny moments and there are dramatic moments,” sambit ng aktor.

Ukol naman sa paggawa ng rom-com nasabi ni JC na hindi pa niya nasa-saturate ang iba’t ibang role sa rom-com.

Hangga’t may bagong maio-offer, hindi ko pa siya fully nasa-saturate. I think parang kulang pa ‘yung pwede kong ibigay sa romantic roles.

“Parang pwede ko pang i-elevate iyong drama or acting for a romance movie,”  paliwanag ng aktor.

Sinabi ni JC na challenging pa rin ang mga rom-com movie na ginagawa niya.

Yes, yes. Sa bawat taong nakakasama ko is usually a different challenge kasi bagong connections iyon eh,” anito.

Isa si JC sa talaga namang napakahusay na aktor kaya nasabi naming hindi siya nawawalan ng project.“Sinusuwerte lang. Hindi naman talaga ako A-list actor. Hindi naman ako iyong…minsan nga I’m into mainstream to indie, indie into mainstream. Nasa gitna lang ako and I’m happy with that status.

“The longevity is what I am after,” wika pa nito.

Kilalanin natin sina meg Zamonte at Ryan Canete sa isang kuwento tungkol sa dalawang estranghero na ang landas ay nag-krus sa hindi inaasahang pagkakataon na naging malapit ang mga puso at marahil natgpuan ang pag-ibig. Dalawang kalulwa na pinagtagpo ng isang kakaibang taya. Isang lalaking may maingat na puso. Isang babaeng nabubuhay para sa mga walang ingat na pustahan. At isang mapaglarong taya na humantong sa isang gabi ng pagkakataon at koneksiyon.

Samantala, kasama rin sa Meg & Ryan sina Cedrick Juan, Ces Quezada, Cris Villanueva and Jeff Gaitan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …