Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jess Martinez

Baguhang aktor na si Jess may limitasyon sa pagtanggap ng role

RATED R
ni Rommel Gonzales

BAGUHAN man o datihan na, target ng mga basher ang mga artista.

Tinanong namin si Jess Martinez kung paano niya naha-handle ang bashing?

Lahad niya, “When it comes to bashing, I don’t really mind them.

“Kasi there are so many positive comments, positive feedback, so why focus on the negative? Iyon po ‘yun.”

Kaya na ba talaga ni Jess na mag-showbiz fulltime or parang testing the waters pa lang?

No po, I tested the water a year na, so this is gonna be full time na. Kasi I really love it,” aniya.

May limitations ba siya sa pag-accept ng  roles? Like mga kissing scene?

Yes po. For now hindi talaga ako muna ok sa kissing, pero let’s see in the future po, kasi I want my career na slow but the respect is still there.

“‘Yung value ko po as a woman naroon pa rin po. So ayaw kong tumanggap ng project even if it’s super taas ng talent fee, dapat in connection pa rin siya or sa pagkatao ko.

“So I would ask my manager and at the same time my parents kung okay ba ‘yung project before we say yes, accept.”

Paano kung kailangan talaga sa eksena na may halikan?

Mapag-uusapan naman po ‘yan. Depende pa rin po sa management ko and kay dad.”

Talent si Jess ng Artist Circle Management ni Rams David.

Loveless si Jess, ano ang hinahanap niya sa isang future boyfriend?

To be frankly, hindi naman necessarily kasing successful ng parents ko but at least mayroon man lang maibubuga or maipakikita sa parents ko, you know?

“At kaya ko naman buhayin ‘yung sarili ko but sana he can also provide. So ‘yun po. Hindi naman super-guwapo but at least guwapo naman po. At saka medyo matangkad din.”

So far, among the young stars with GMA, kanino siya nag-e-enjoy katrabaho?

“‘Yung mga kasama ko sa ‘Sanggang Dikit FR,’ close po kami lahat. May group chat po kami sa Instagram. Kami po nina Seb, Kim, James, Matthew din po. 

“Also close rin po ako kay Chanty at saka kay Zonya.”

Pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa GMA kabilang ang mga Sparkle artist na sina Seb Pajarillo, Kim Perez, James Lucero, Matthew Uy, Chanty Videla, at Zonya Mejia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …