ISINUGOD sa ospital ang tatlong empleyado ng isang firearms and ammunition manufacturing company matapos ang insidente ng pagsabog sa loob ng pabrika sa Brgy. Fortune, lungsod ng Marikina, nitong Lunes ng hapon, 7 Hulyo.
Ayon sa Marikina CPS, naganap ang pagsabog dakong 2:43 ng hapon.
Nabatid na isa sa mga biktima ang naputulan ng dalawang kamay, isa ang napinsala ang dibdib, habang tinamaan sa mata ang isa pa.
Ayon sa Marikina City Rescue 161, dinala ang mga sugatang trabahador sa Amang Rodriguez Hospital upang gamutin at nananatili para obserbahan.
Samantala, agad nagpadala ng mga K-9 police unit, Explosive Ordnance Disposal team, at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lugar upang imbestigahan ang insidente.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com