SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
NAKABIBILIB ang katatagan at kahusayan ng Unilab at Mercury Drug. Kasingtagal na sila ng ating mga lolo at lola, nanay o tatay, dahil ipinagdiriwang nila ngayong 2025 ang kanilang ika-80 taon.
Kaya ang 2025 ay nagmamarka ng isang makabuluhang milestone—dalawa sa mga pinaka-iconic at pinagkakatiwalaang brand ng pangangalagang pangkalusugan sa bansa, ang Unilab at Mercury Drug.
Kaya naman para ipagdiwang ang kanilang walong dekada, tunay na “alaga” o pangangalaga ang ibabalik nila sa mga Filipinong tumangkilik sa kanila, ang Alagang Suki Fest 2025, isang konsiyerto sa July 31, 2025, 5:00 p.m., sa Smart Araneta Coliseum.
Makakasama sa paghahatid-saya ng Unilab at Mercury ang iconic alternative rock band na Mayonnaise, Gen Z favorites na sina Maki at Darren Espanto, P-pop powerhouse at ang Nation’s Gir Group, BINI, at ang timeless OPM Icon na si Gary Valenciano.
Ayon kay Claire de Leon Papa, head ng External Affairs and Social Partnerships ng Unilab, ikinonsidera nila ang pulso ng masa sa pagpili ng mga magpe-perform sa kanilang Alagang Suki Fest 2025.
“Whenever we do the rounds, siyempre we also check kung sino ‘yung mga artist na gusto nila (consumer).
“This is really more of a treat to our Suki. So isa-isang pasasalamat ng Unilab at ng Mercury Drug para sa kanilang mga suki and then hopefully maraming makaka-join,” sambit ni Ms Claire sa isinagawang appreciation lunch kahapon sa Deo Gracias, Quezon City.
“Ang malaking consideration pa eh, ‘yung kung ano ba ‘yung timpla ng publiko. Kung sino ba ‘yung mga artist na gusto especially ang mga suki natin. That’s why you have the likes of Gary Valenciano and then ‘yung BINI, Mayonnaise and our generation,” dagdag pa.
Ibinahagi pa ni Ms. Claire na darating din ang ilan sa kanilang mga endorser tulad ni Belle Mariano.
Sinabi pa ni Ms Claire na ang healthcare ay nag-e-evolve. “So rati ang pinag-uusapan lang natin ‘yung kapag may sakit ka na. And then right now, tumataas ang awareness about prevention.
“So wellness is very very much [in people’s minds]. The reason why we keep on reminding people. We’re reminding people to make sure that they also put a premium on vitamins, kasi vitamins is prevention,” sabi pa at napag-alaman naming ang Tiki-Tiki ang pinaka-oldest brand nilang vitamins.
“Marami rin tayong sakit and even lifestyle, sleep deprivation, medyo malaki ‘yung nagiging impact sa atin, because of technology. And then very important din (gamot) sa mental health.So may mga product din tayong available.
Ang milestone event, ang Alagang Suki Fest 2025 ay magsisilbing pagdiriwang ng Filipino resilience sa buhay at negosyo, wellness, at ang diwa ng komunidad at pagkakaisa. Sa unang bahagi ng taong ito, sinimulan ng Unilab ang ika-80 anibersaryo sa PhilSports Arena kasama ang mahigit 4,000 empleado at mga kasosyo, na itinatampok ang matapang na pananaw—na ituloy ang pagta-transform sa isang future-ready and innovation-driven healthcare leader.
Kaya naman ngayon nagsanib-puwersa ang Unilab at Mercury Drug para ibalik sa kanilang mga tapat na customer sa pinaka-mapagmalasakit ngunit kapana-panabik na paraan: Ang mga miyembro ng Alagang Unilab Rewards at may hawak ng Mercury Drug Suki Card ay maaaring mag-redeem ng mga libreng tiket sa Alagang Suki Fest 2025.
Kailangan lamang bumili at makakuha ng hindi bababa sa 100 puntos mula sa mga kalahok na Unilab OTC products (Immunpro, Enervon Celin, Biogesic, Alaxan, Myra at iba pa) sa anumang tindahan ng Mercury D sa buong bansa.
Gamitin ang inyong Mercury Drug Suki Card sa pagbili.
Mag-upload ng mga resibo sa pamamagitan ng Alagang Unilab Rewards Facebook Messenger, na may maximum na tatlong resibo na maaaring i-upload bawat araw.
Sa pag-upload ng resibo, makakukuha ka ng natatanging code for redemption sa Ticketnet.
At sa bawat miyembro ng Alagang Unilab Rewards, maaaring makakuha ng hanggang tatlong (3) tiket–opo, maaari mong dalhin ang iyong mga kaibigan!
Ang promo ay tatakbo mula Mayo 23 hanggang Hulyo 20, 2025, o hanggang sa tumagal ang mga supply.
Mula sa simpleng cabinet ng gamot hanggang sa entablado ng engrandeng konsiyerto, ang Unilab at Mercury Drug ay patuloy na nagbibigay sa atin ng isang napaka-pambihirang pagmamahal. Ang parehong uri na natatanggap nila sa kanilang 80 taon ng tunay na pangangalaga.
Para sa kabuuang detalye ng kanilang promo at listahan ng mga kasaling Unilab OTC products, mag-log lang sa https://www.unilab.com.ph/alagang-unilab-rewards/alagang-suki-fest.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com