Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rey PJ Abellana Smile 360

Rey ‘ngiti’ ang isinagot sa mga kinakaharap na usapin

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ISA sa mga endorser ng muling ipinakilalang dental clinic sa madla na Smile 360 ay si Art  Halili

Excited na ibinalita ni Art na muling lalagda ng kontrata ang mga bagong endorser nito bukod sa mga nauna na gaya nina Ms. Dexter Doria, Romel Chika,  Hero Angeles, Tuesday Vargas, at Patani.

This time, ipinakilala ng lovely couple na CEO at COO na sina Janna at Dr. Michael Gonzales ang mga bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Gaya nina Natasha Ledesma, Rey Abellana, Majo, Annica Tamo, Kate Hillary, Astrid Feliciano,  Kadena Queen, Melissa Mendez, Diego Llorico, ang Pop group na One Verse at Mercedes Cabral. At ang food vloggers na sina Kevin, Marky Bap, at Chef Gelo. 

Ang ngiti sa mukha ng isang tao ang unang napapansin, lalo na kung matamis ang namumutawi sa mga labi.

At ito ang nais na palaganapin ng mga nasa likod ng Smile360. 

Isa sa mga napagtuunang kausapin ng press ay ang bagong lagdang endorser na si Rey PJ Abellana. Na may isyu ng mga sandaling ‘yun. Dahil sa naging panayam ng anak na si Carla at ex-wife niyang si Rea Reyes na may mga nasabing hindi maganda sa kanya gayong deka-dekadang taon na silang walang pakialaman sa buhay.

Cheating ang umano’y patuloy na ginagawang isyu kay Rey ng una niyang pamilya. Kaya lukang-luka siya. Nasa ikatlong relasyon na raw siya. Ang nakalimutan nga raw na itanong sa dati niyang mag-ina eh, dapat na may kinalaman sa ex na ni Carla na si Tom Rodriguez. Na sa panahong nagkalabuan sila ay sa kanya pa tumakbo at nagsumbong.

Sa kabila nito, naidaraan pa ni Rey sa pagbibiro at pag-flash ng kanyang sweet smile sa mga kausap ang mga sinasagot niyang isyu.

Isang ikinatutuwa nila sa dumating na blessing sa kanila sa pag-eendoso ng Smile360 ay ang pangangalagang gagawin nina Ms. Janna sa kanilang dental care na naka-extend sa lahat ng miyembro ng kanilang pamilya.

Bago natapos ang gabi, nawala na sa paningin namin si Rey. May isa pa sana kaming tanong na uusisain sa kanya.

Sa tsika na umano, may reklamo sa kanyang anak na pambu-bully sa ka-edad nito. May mga nakapagsabi na kung ilang beses na nilang nakikita sa  sala ng hustisya si Rey sa Quezon City. At may kinalaman ito sa kanyang anak.

Totoo ba ito? Will Rey continue to flash that winning smile and grin kung mapatunayang may sala ang bunsong anak?

As far as Art naman is concerned, natutuwa kami sa host cum producer at kung ano-ano pang ginagawa nito sa kanyang career. Dahil nalambingan man ng kadiliman ang ibang parte ng buhay niya, nanatili itong matatag sa pagharap sa buhay.

Kaya naman tuwang-tuwa rin siya na maraming kasamahan niya ang nailalapit sa dental clinic para magpalaganap nito.

Are you ready to visit them and flash that winsome smile, too? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …