Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew E

Instagram account ni Andrew E na-hack, bakasyon sa US tinutuligsa

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGING masaya ang engrandeng bakasyon ng King of Pinoy Rap na si Andrew E at ng mabait niyang misis, si Mylene Yap Espiritu.

Kasama nila sa bakasyon ang tatlo nilang anak na sina Fordy, Ichiro, at ang bunsong si Jassley. Bakas sa mukha ng Espiritu family ang kasiyahan nang una silang lumapag sa LAX International Airport sa Los Angeles sa California.

Napanood namin sa Facebook post ni Mylene na talaga namang enjoy na enjoy sila sa pamamasyal Amerika na wala silang sinayang na oras sa dami nilang pinuntahang lugar, isa na rito ang Disneyland sa Anaheim at marami pang magagandang tanawin na makikita mo sa bawat post niya sa FB.

Sinabi pa nga niMylene, “Welcome back to my son Fordy’s hometown!”

Kahit busy sila sa pamamasyal hindi nakalimutan ni Mylene na dumaan sa mga tindahan para bumili ng collection na Labubu. 

Hindi rin mawawala ang panonood ng Espiritu family ng mga show sa LA. Pero hindi lang puro kasiyahan ang makikita sa post niya sa kanyang social media account, mayroon ding malungkot na pangyayari na isang umaga ay nagulat si Andrew na na-hack na ang Instagram account niya.

Kaya idinaan na lang ni Andrew sa pagkain ng ice cream ang pagkadesmaya at nag-email na sa admin ng IG.

Pero habang isinusulat namin ito, wala pang balita kung nibalik na ang kanyang account. Kaya nanawagan sila sa admin at sa hacker mismo na ibalik na nila kay Andrew ang account niya dahil marami siyang memories na naka-upload doon. Hindi lang hacker ang tumitira kay King AE, kundi pati mga basher ay pinupuna ang pagbabakasyon nila sa America.

Wala namang masama sa kanilang pagbabakasyon, deserve iyon ng pamilya at ini-enjoy lang ni Andrew E ang kanyang mga pinaghirapan bilang isang iconic artist at King of Pinoy Rap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …