Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isko Moreno
STATE OF HEALTH EMERGENCY ang nais ideklara ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa unang araw ng panunungkulan sa kanyang pagbabalik bilang alkalde ng kabiserang lungsod ng bansa. Ipinahayag ni Mayor Isko na malaki ang pangangailangan na isailalim sa state of health emergency ang lungsod dahil sa napabayaan at malalang problema sa basura na magbubunsod ng iba’t ibang problema sa kalusugan. Hinikayat ng punong lungsod na magpulong ang konseho para talakayin ang kanyang mungkahi na magdeklara ng emerhensiyang pangkalusugan sa Maynila. (BONG SON)

Mayor Isko nais ideklara
STATE OF HEALTH EMERGENCY vs SANDAMAKMAK NA BUNDOK NG BASURA

NAIS ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na magdeklara ng ‘state of health emergency’ dahil sa mga pulu-pulutong na gabundok na basurang iniwan ni dating Manila mayor Honey Lacuna sa iba’t ibang lugar sa Maynila.

Sa kanyang unang araw ng pagbabalik sa city hall, sinabi ni Isko na bumungad sa kanya ang reklamo na patuloy ang paglala at pagdami ng mga basura na hindi nakokolekta kaya hihilingin niya sa City Council na ipasa ang state of health emergency.

Lumilitaw na hindi nakolekta ang mga basura dahil sa utang ng city hall sa pamumuno ni dating mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna na P561 milyon sa Leonel at  P950 milyon sa MetroWaste Solid Waste Management Corporation at Phil. Ecology Systems Corp.

Ayon kay Mayor Isko, hindi biro ang panganib na posibleng idulot ng basura sa pamumuhay, kapaligiran at kalusugan ng mga taga-Maynila.

Ani Isko, tulad ng kanyang pangako, haharapin nila ang problema sa Maynila partikular ang isyu ng basura.

Sa kanyang unang araw ng pagbabalik sa city hall, sinabi ni Isko na bumungad sa kanya ang reklamo na patuloy ang paglala at pagdami ng mga basura na hindi nakokolekta kaya hihilingin niya sa City Council na ipasa ang resolusyon na magdeklara ng state of emergency.

Ayon kay Isko, hindi biro ang panganib na posibleng idulot ng basura sa pamumuhay, kapaligiran at kalusugan ng mga taga Maynila.

Aniya, tulad ng kanyang pangako, haharapin nila ang problema sa Maynila partikular ang malaking isyu ng basura. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …