Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bearwin Meily

Bearwin pinagbalingan ang pagtakbo nang mawala ang ama  

RATED R
ni Rommel Gonzales

TINANONG namin si Bearwin Meily kung gaano katagal siyang nagpahinga bilang komedyante.

“Nag-lie low sa showbiz, 2009 kaunti na ‘yung project ko niyan. Kasi namatay ‘yung daddy ko 2008, emphysema, kapareho ng kay Tito Dolphy. Then I started running so hanggang sa malayuan na ‘yung tinatakbo ko.

“So pumayat na po ako it was 2009 hanggang nito na lang, nito na lang ako nakabalik ulit with NET25, with ‘Quizon City.’

“So social media na ito, Youtube na ito at saka NET25 and then guesting-guesting na lang so I think that’s more than 10 years noong nawala ako sa industry.”

Ang marathon ang binalingan niya noon upang mabawasan ang lungkot sa pagkawala ng kanyang ama?

“Yeah, tama po.

“Isa po ‘yun.

“So anyway those days and times na talagang iniisip ko rin na saan ako pupunta?

“Eh manginginom po ako, lahat po ng bisyo tinitira ko, wala akong disiplina sa katawan.

“Galing ako sa hirap. Noong nagkapera ako lahat gusto kong tirahin. So ganoon ho ka-worse.

“So sabi ko, ‘Lord tulungan mo ako, kung hindi maaga akong mamamahinga!’

“Then, iyon po ‘yun, doon po nag-start lahat ‘yun.”

At dahil You VERSUS You ang marathon event na inorganisa niya, tinanong namin si Bearwin kung saang punto ng buhay niya, lalo na sa mga mapait at masakit na pinagdaanan niya, naranasan ang mga katagang “you versus you.” 

“Iyon ‘yun 2012, I encountered Christ again. So nag-serve na ako noon sa CCF, Christ’s Commission Fellowship, that’s our church now.

“So somehow nakikita niyo na sa social media nagse-share ako, mga inspirational videos, so roon po iyon.

“Sa… kasi yung parang…” dito hindi napigilan ni Bearwin na mapaiyak habang nagsasalita.

“Yung parang… kung kailan ka lumapit kay God mas lalo ka niyang ginamit. Kung kailan ako nag-serve kay God ang daming challenges pang dumaan.

“So kung kailan ka sumuko, roon ka pa niya lalo gustong yakapin.

‘So that’s the hard part,” ang umiiyak pa ring saad ni Bearwin.

“Iyon ‘yun, ‘yung mga time na ‘yun.

“Nawalan ako ng work, nabenta ko house and car namin, nagkaroon kami different challenges sa family.”

Nalampasan niya lahat ng pagsubok, nasa maayos na sitwasyon na siya dahil sa tulong ni Lord.

“Ah, yes! Career-wise, achievement-wise, nadaanan na po, pero ngayon ‘yung bank account hindi na po mahalaga sa akin ‘yun, ‘yung kasikatan hindi na po mahalaga sa akin.

“Makatawid na lang kami, to encourage others, to motivate others, to share kung gaano kabuti si Lord sa ating lahat.

“Hindi lang sa akin, sa ating lahat boundary na po ako.”  

Si Bearwin, na pioneer ng mga thematic runs dito sa Pilipinas, ang head at race director ng You VERSUS You Run 2025 na inorganisa ng 88 Sports PH (a division of 88 ACE Production Corp.).

Ang fun run ay gaganapin sa July 20, 2025 (Sunday), 4:00 a.m. sa Ayala Vermosa Sports Hub, Imus City, Cavite. Ang proceeds ay ilalaan sa mga kabataan at sari-sariling community development.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …