Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lani Misalucha

Lani nakapasa sa audition ng AGT

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISANG rebelasypn na halos wala pang nakaaalam na nag-audition pala noon si Lani Misalucha sa America’s Got Talent, ang sikat na international talent search program.

“Oo! Ha! Ha! Ha! 

“Oo… hindi naman nga kasi ano ‘yun eh… hindi ko na matandaan 2005 or 2006.

“Nasa Vegas pa ako noon, pinag-audition lang ako ng parang agent ko.”

Nakabase noon sa Amerika si Lani at may mga regular shows sa Las Vegas.

Ang kinanta raw niya sa audition ay ang operatic pop song na Con Te Partiro ni Andrea Bocelli na may duet version with Sarah Brightman.

At siyempre pa, nakapasok siya sa 1st round ng audition.

“Pinatawag ako for a second call pero hindi ko na nga in-ano (pinuntahan). 

“Pinasabi ko na lang sa agent ko na hindi ko kakayanin kasi nga nag-e-everyday show kami, eh.”

Bakit siya nag-audition kung hindi naman pala niya itutuloy?

“Wala lang, pinasabak lang ako, parang you know,  just for the experience of it para lang ano.

“As in nasa isang casino lang kami nakalimutan ko na kung saang casino iyon.

“So ayun, andun mayroong mga auditioner tapos may judges, pero hindi pa sina ano noon, kumbaga ito pa lang ‘yung ini-screen.”

Isa sa mga kilalang judges ng AGT si Simon Cowell.

Wala bang regret si Lani na hindi niya itinuloy ang journey sana niya sa AGT?

“Oo nga eh, noh? Paano kaya kung itinuloy ko?

“Ano nga ba or what could have been, you know? Oo nga.

“Pero sa totoo lang wala akong regrets or anything,” ang nakangiting pahayag pa ni Lani.

Judge si Lani sa The Clash kasama sina Christian Bautista at Ai Ai delas Alas.

Napapanood tuwing Linggo, 7:15 p.m.. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …