Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julie Anne San Jose

Julie Anne takot raw mabuntis 

RATED R
ni Rommel Gonzales

GOING strong ang relasyon ni Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose kaya tinanong ang aktres kung ready na ba siyang maging asawa at ina?

Ako iyan ang pinagpe-pray ko palagi kay Lord kasi siyempre ako gusto ko rin na kapag nangyari iyon gusto ko ay handa talaga ako.

“But since iyan napag-uusapan naman talaga rin namin, and doon din naman kasi papunta iyon, and nasa point na rin kasi ako ng life ko na gusto ko na lang mag-enjoy.

“I wanna enjoy life, I want to focus on my happiness din naman,” sagot ni Julie Anne.

Si Julie Anne ba ay tulad ng ibang babae, na natatakot magbuntis dahil ayaw tumaba o malosyang?

I think it’s part of ano naman eh, being a wife and a mother so ano naman iyon eh, parang… lagi ko ngang sinasabi, kasi marami rin akong nakikita or nawi-witness na, ‘O ganitong klase ‘yung life nila after nilang ikasal or like kapag mommies na sila.’

“And ako personally nai-inspire ako, mas nai-inspire ako.

“Si mommy kasi especially noong dalaga siya parang ganito rin kasi ‘yung katawan niya.

“So it’s really, you know, about really taking good care of your body, about your health talaga.”

Host si Julie Anne ng The Clash with Rayver at mga hurado naman sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai Ai delas Alas.

Napapanood ito sa GMA tuwing Linggo, 7:15 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …