Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mula Israel, Jordan, Palestine, at Qatar
31 INILIKAS NA OFWs NAKAUWI NA SA BANSA

062525 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN

NAKAUWI na sa bansa ang 31 repatriated overseas Filipino workers (OFWs) o ang unang batch sa gitna ng nagpapatuloy na tensiyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Sakay ang mga naturang OFWs ng Qatar Airways 934 na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 pasado 7:50 kagabi kasama si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac.

Sa naturang 31 OFWs, 26 ay mula sa Israel, tatlo mula sa Jordan, isang mula sa Palestine, at 1 mula sa Qatar.

Sinagot ng pamahalaan ang kanilang plane ticket, transit visa, transportasyon, at temporary accommodation.

Bukod dito, ang bawat OFW ay makatatanggap ng tulong pinansiyal na P75,000 mula sa Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA) at sa Department of Migrant Workers (DMW).

Mayroon din tulong ang bawat OFW mula sa Department of Social Worker and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Tiniyak ng pamahalaan na dokumentado man o hindi ang isang Pinoy na nais nang makabalik ng bansa dahil sa apektado ng tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa ay tutulungan na magkaroon ng travel document para sa kanlang kaligtasan.

Binigyang-linaw ng pamahalaan na nagkaroon ng pagbabago sa oras ng flght dahil sa mga banta ng pinakakawalang missiles sa himpapawid.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …