TATLONG banyaga na nagsabing sila ay mga Filipino ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Zamboanga del Sur dahil sa paggamit ng ‘illegally-acquired’ Philippine identity.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang pag-aresto ay mula sa pinaigting na kampanya ng BI laban sa mga ilegal na dayuhan na gumagamit ng mga bogus na pagkakakilanlan.
Alinsunod rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pigilan ang mga dayuhang banta sa seguridad na pumasok at gumala sa bansa.
Kinilala ang mga naaresto na sina Wang Yunpeng, 46 anyos; si Liu Yang, 45 at Lin Shaozhang, 34.
Sinabi ni Viado, ang mga dayuhang nagpapanggap na Pinoy ay maaaring naglalagay ng kanilang sarili sa bansa para sa paniniktik, o para gumawa ng mga kriminal na aktibidad.
Ibinahagi ni Viado ang mga intelligence operatives ng BI sa Rehiyon 9, sa pakikipag-ugnayan sa mga intelligence unit ng Philippine army – Armed Forces of the Philippines, at 53rd Infantry Battalion, ay nagsagawa ng serye ng pag-aresto sa peninsula.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com